Pumunta sa nilalaman

Maharlikang Unibersidad ng Phnom Penh

Mga koordinado: 11°34′08″N 104°53′29″E / 11.569°N 104.8914°E / 11.569; 104.8914
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Royal University of Phnom Penh
សាកលវិទ្យាល័យភូមិន្ទភ្នំពេញ
SawikainEducation, Research and Service to Society
Itinatag noong13 January 1960
UriNational university
PanguloDr. Chet Chealy
Academikong kawani420
Administratibong kawani140
Mag-aaral20,000
Lokasyon,
11°34′08″N 104°53′29″E / 11.569°N 104.8914°E / 11.569; 104.8914
ApilasyonASEAN University Network
Agence Universitaire de la Francophonie
Websaytrupp.edu.kh

Ang Maharlikang Unibersidad ng Phnom Penh (Khmer: សាកលវិទ្យាល័យភូមិន្ទភ្នំពេញ; Ingles: Royal University of Phnom Penh o RUPP) ay ang pambansang unibersidad ng Cambodia, na matatagpuan sa kabisera ng Phnom Penh. Itinatag noong 1960, ito ang pinakamalaking unibersidad sa bansa. Ito ay merong 20,000 mag-aaral sa mga undergraduate at postgradweyt na programa. Nag-aalok ito ng mga digri sa mga erya tulad ng agham, humanidades at mga agham panlipunan, pati na rin mga bokasyonal na kurso. Ang RUPP ay naggagawad sa Cambodia ng mga nangungunang digring programa sa wika sa pamamagitan ng Institute of Foreign Languages. Ang RUPP ay ganap na kasapi ng ASEAN University Network (AUN).

Ang RUPP ay may higit sa 420 full-time na kawani. Ang lahat ng mga 294 pang-akademikong kawani nito ay nagtataglay ng tersiyaryong kwalipikasyon, kabilang ang 24 PhD at 132 Master's degree holders. Ang mga ito ay suportado sa pamamagitan ng 140 tauhang administratibo at pangmintina. Ang unibersidad ay nagpapanatili ng ugnayan sa mga mga network ng NGO sa Cambodian at ibang bansa, mga unibersidad at mga ministri ng pamahalaan. Bilang resulta, ang mga internasyonal at di-panggobyernong organisasyon at tanggapan ng pamahalaan ay regular na nagpapadala ng mga pandagdag na miyembro ng kaguruan upang makatulong na palawakin ang ang kapasidad ng RUPP. Ang Institute of Foreign Languages (IFL) ay ang pinaka-tanyag na dibisyon sa RUPP pati na rin ang Cambodia.