Pumunta sa nilalaman

Malaking puting pating

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Malaking puting pating
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Subklase:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Carcharodon

Smith, 1838
Espesye:
C. carcharias
Pangalang binomial
Carcharodon carcharias
(Linnaeus, 1758)
Nasasakupan (kulay bughaw)
Isang ngipin ng Megalodon na may katabing dalawang mga ngipin ng malaking puting pating.

Ang malaking puting pating (Carcharodon carcharias; Ingles: great white shark) ay isang espesye ng pating. Ang isdang ito ay mahusay lumangoy at ang pinakamalaking maninilang isda.

Ang malaking puting pating ay mayroong bilang ng mga ngipin na umaabot sa 3,000, na nakaayos na marami ang mga hilera. Ang unang dalawang mga hilera ng mga ngipin ay ginagamit sa pagsunggab at paghiwa ng mga hayop na kinakain nila, habang ang iba pang mga ngipin na nasa panghuling mga hilera ay nagiging pamalit para sa mga ngiping pangharapan na nasisira, nagagasgas, nauupod, o kapag nabubungi ang mga ito. Ang mga ngipin ay mayroong hugis ng isang tatsulok na mayroong mga tulis o talim sa mga gilid. Ang mga malalaking puting mga pating ay kumakain ng mga isda at iba pang mga hayop, katulad halimbawa ng mga karnerong-dagat at mga leon-dagat.

Mga katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang likod ng pating na ito ay kulay abo at ang ilalim ng katawan ay kulay puti. Ang mga pating na ito ay mayroong tatlong pangunahing mga palikpik: ang dorsal o panlikod (palaypay ng likod) at ang dalawang palikpik na pektoral (mga palaypay na pangtagiliran). Mayroong limang mga hiwa ng hasang sa mga pating na ito. Ang malaking puting pating ay nagiging adulto (nasa hustong gulang) pagkaraan ng humigit-kumulang sa siyam na mga taon pagkalipas na maipanganak. Ang paglaki ng malaking puting pating ay nasa 25 hanggang 30 mga sentimetro bawat taon, at lumalaki sila magpahanggang sa karaniwang sukat na 4.5 mga metro. Ang pinakamalaki ay maaaring magkaroon ng haba na 6.5 mga metro.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]