Pumunta sa nilalaman

Kahalayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Malibog)
Si Luxuria o Kahalayan, isang paglalarawan o pagbibigay ng katauhan sa labis na paghahangad o pagkauhaw sa laman.

Ang kahalayan ay ang pagkakaroon ng matinding pagnanasa sa "laman" o "tawag ng laman" na may kaugnayan sa kasiyahang sensuwal at seksuwal. Tinatawag din itong libog, kalibugan, iyag, at lanya. Nilalarawan din ito bilang kamunduhan, malakas na pagkauhaw o paghahangad sa kaligayahang sensuwal. Bagaman madalas na iniuugnay sa paghahangad sa seksuwalidad, maaari rin itong iugnay sa paghahangad ng kapangyarihan. [1][2] Sa Katolisismo, itinuturing ito bilang isa sa pitong nakamamatay na mga kasalanan.

Walang maayos na salin ang salitang “Lust” sa Tagalog – ang pinakamalapit rito ay “matinding pagnanais” sapagkat hindi lang kalibugan ang ibig-sabihin nito. Maaaring mag-anyo ito bilang pagnanais para sa agham, pagtatalik, kapangyarihan, at iba pa. Ang matinding pagnanais na ito’y isang puwersang malakas na sikolohikal.

Sa karamihan ng mga relihiyon, lalo na’t sa Kristiyanismo, ang matinding pagnanais ay hinati sa dalawa – pagkahumaling, at kalibugan. And kalibugan ay sekswal na matinding pagnanais ngunit sa sobrang lakas nito, ito’y nagiging makasalanan. Ngunit, ang pagkahumaling para sa tamang dahilan ay hindi makasalanan.

Sa Sikolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Matinding Pagnanais, sa agham ng sikolohiya, ay itinuturing bilang mas matinding libog. Ang isang tao’y maaasahang maglilibog para sa taong hindi katulad sa kanya. Ang pagiging katulad sa sarili ay senyas ng pagiging kapamilya at dahilan ito kung bakit hindi naaakit ang tao sa mga taong katulad sa kanya. Sa gayon, ang pagkakahawig sa sarili’y bumabawas sa pagkakaakit-akit sa isang tao. Totoo ang kabaligtaran nito – mas kaakit-akit ang mga taong hindi katulad sa atin.


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Libog, kalibugan, iyag, lanya, kahalayan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 800.
  2. Gaboy, Luciano L. Lust - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Seksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.