Pagkamamamayan
Ang pagkamamamayan ay isang katapatang-loob ng isang indibiduwal sa isang estado.
Tinutukoy ng bawat estado ang mga kondisyon na kung saan kikilalanin ang mga indibiduwal bilang mga mamamayan nito, at mga kondisyon kung saan babawiin ang katayuan nito. Sa pangkalahatan, dinadala ng pagkakilala ng isang estado ng isang mamamayan ang pagkakilala nito ng mga karapatang sibil, pampolitika at panlipunan na hindi binibigay sa mga hindi mamamayan.
Sa pangkalahatan, ang mga pangunahing karapatan na karaniwang kinikilala bilang mula sa pagkamamamayan ay ang karapatan sa isang pasaporte, ang karapatang umalis at bumalik sa (mga) bansa ng pagkamamamayan, ang karapatang tumira sa bansang iyon, at magtrabaho doon.
May ilang mga bansa ang pinapahintulot ang kanilang mamamayan na magkaroon ng maramihang pagkamamamayan, habang pinipilit ng iba ang eksklusibong katapatang-loob.
Mga kondisyon sa pagtutukoy
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaring kilalanin o ipagkaloob ang pagkamamamayan sa isang indibiduwal sa ilang mga batayan. Kadalasang awtomatiko ang mga kaganapang kapanganakan, subalit maaring kinakailangan ang aplikasyon.
Ito ang ilan lamang sa mga uri ng pagkamamamayan:
- Pagkamamamayan sa pamamagitan ng pamilya (jus sanguinis). Kung isa o pareho ng magulang ng isang indibiduwal ay mamamayan ng isang binigay na estado, ang indibiduwal na iyon ay maaring may karapatan din na maging mamamayan ng estado iyon.[a]
- Pagkakamamamayan sa pamamagitan ng kapanganakan (jus soli). May ilang indibiduwal ang awtomatikong mga mamamayan ng isang estado kung saan sila ipinanganak.
- Pagkamamamayan sa pamamagitan ng kasal (jus matrimon]]). Maraming bansa ang pinapabilis ang naturalisasyon batay sa kasal ng isang tao na isang mamamayan. Kadalasang may mga regulasyon ang mga bansa upang tukuyin ang mga kunwaring kasal, kung saan nagpapakasal ang isang mamamayan sa isang hindi mamamayan na karaniwan para sa bayad, na walang intensyon na magasama sila.[3]
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Halimbawa: Pilipinas[1] at Estados Unidos.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Article IV of the Philippine Constitution (sa Ingles).
- ↑ "8 U.S. Code Part I - Nationality at Birth and Collective Naturalization". LII / Legal Information Institute (sa wikang Ingles).
- ↑ "Bishops act to tackle sham marriages". GOV.UK (sa wikang Ingles).