Manggugupit
Ang manggugupit[1] ay karaniwang tumutukoy sa isang taong gumugupit, tagagupit, o pumuputol ng buhok ng isang kliyenteng nagbabayad. Panlahat na tawag ito maging babae man o babae ang tagagupit. Tinatawag ring manggugupit ang mga mananabas o tagatabas ng telang gagamitin sa pananahi. Barbero ang tawag sa lalaking manggugupit na ang kadalasang kliyente ay mga kapwa lalaki rin. Sumusunod sa moda o pamantayan ang mga manggugupit. Marunong ding mag-ahit ng balbas at bigote ng mga kliyente ang mga ito. May iba ring nagkukulay ng buhok at nagmamasahe sa mga nagpapagupit, lalo kung natapos na ang gupitan. Pagupitan, barberya, o barberuhan ang tawag sa lugar na pinupuntahan ng mga ibig magpagupit. Mayroon ding mga pedikyurista, manikurista, at mangungulot sa mga paggupitan ng mga kababaihan.
Sa Pilipinas, si Martina Lunud ang itinuturing na unang dalubhasang babaeng naging barbero. Noong Hunyo 1927, inilathala ng magasing Philippines Free Press si Lunud bilang "Binibining Barbero ng Maynila" (Manila’s Lady Barber). Bagaman isang larangang pangkalalakihan ang pagiging barbero o ang manggupit ng mga estilong panlalaki, naghanapbuhay si Lunud sa mga barberuhang La Marina at People's sa Sta. Cruz, Maynila. Nagmula sa Lungsod ng Olongapo si Lunud. Nabanggit niya sa Philippines Free Press ang mga katagang ito: “Hindi ito isang trabahong pambabae, sa tingin ko, ngunit nagawa ko na ang lahat ng aking magagawa sa abot ng aking makakaya, at gusto ng mga kliyente ko ang aking ginagawa.” [2][3]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Manggugupit, barbero, barber". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ First Woman Barber: Martina Lunud Naka-arkibo 2012-03-28 sa Wayback Machine., First in the Philippines, TxtMania.com, at Ocampo, Ambeth, Philippine Daily Inquirer
- ↑ Salin ito mula sa Ingles na: (…) "This is not a girl's work, I think, but I have done my best to a certain extent, and my customers like my work" (…)