Pumunta sa nilalaman

Atletiks

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Manlalaro ng mahabang talon)

Ang atletiks o atletika (Ingles: athletics, track and field, o track and field athletics) ay isang kalipunan ng mga kaganapang pamapalakasan, kasama at pangkalahatan na ang pagtakbo, pagtalon, at paghahagis. Isa itong napakapangkaraniwang pangyayari na pampalakasan sa buong mundo. Kabilang sa mga kaganapan ng pagtakbo ang mga maraton, mga karerang may "nilulundagang harang" o hurdle, mga kaganapan ng pagtakbong may malayong distansiya at malapitang layo. Ilan sa mga kaganapan ng pagtalon ang mataas na pagtalon, mahabang pagtalon, tatluhang pagtalon, at pagtaluon o pagtalon sa ibabaw ng baras sa pamamagitan ng isang mahabang tikin o tukod. Kabilang sa mga kaganapan ng paghagis ang pag-iitsa ng habelina, diskus, martilyo, at pagpupukol ng bolang-bakal o shot-put. Lahat ng mga kalahok ay inoorasan at sinusukat ang layo ng kanilang nagagawa sa mga kaganapang panlaro.

Palakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.