Manubhai Jodhani
Si Manubhai Lallubhai Jodhani (Oktubre 28, 1902 - Disyembre 29, 1979) ay isang Gujarati na manunulat, folklorista, ornitologo, botanista, at patnugot mula sa Gujarat, India. Siya ay naglathala ng higit sa 15 libro.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Jodhani ay ipinanganak noong Oktubre 28, 1902 sa Barwala (ngayon ay nasa distrito ng Botad, Gujarat, India).[2][3][4] Natanggap niya ang kaniyang edukasyon sa elementarya sa Limbdi. Naging guro siya sa paaralan sa Barwala noong 1920. Noong 1930 siya ay nagbitiw upang sumali sa Kilusang Pagpapalaya ng India.[3] Kasunod ng Satyagrahang Asin ni Mahatma Gandhi, nagpasya ang isang aktibista pangkalayaan na si Amrutlal Sheth na magsagawa ng Satyagraha sa Dholera. Si Jodhani ay gumanap ng isang nangungunang papel sa Dholera Satyagrahang Asin at ang Britanikong Pulisya ay nagbigay ng warrant ng pag-aresto para kay Jodhani.[kailangan ng sanggunian]
Kalaunan ay sumali siya sa Jivanlal Amarshi Booksellers. Nagtrabaho din siya sa iba't ibang mga magasin kabilang ang Stribodh bilang isang subpatnugot gayundin si Strijivan bilang isang editor sa loob ng 39 na taon.[3][4] Siya ay miyembro ng isang komite na binuo ng Pamahalaan ng Gujarat upang itaguyod ang katutubong panitikan.[4][5]
Namatay siya noong Disyembre 29, 1979.[6] Ang kaniyang anak na si Vasantkumar Jodhai ay isa ring manunulat na naglathala ng mga gawa sa agham at hayop.[2]
Mga akda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malaki ang naiambag ni Jodhani sa larangan ng panitikang-pambayan.[3][6][7] Siya ay isang ornitolgo at botanista.[8] Pinasimunuan niya ang mga pagsulat ng kuwento sa flora at fauna ng Gujarat.[4][8][9]
Kabilang sa kaniyang mga akda sa katutubong panitikan ang Sorathi Javahir (1930), Sorathi Vibhuto (1964), Randalna Geeto, Gujarati Loksahitya Mala (isinulat kasama ni Manjula Majmudar, Bachubhai Raval), at Janpad (1940, 1944, 1955; mga borador).[10]
Kabilang sa kaniyang mga maikling kwento ang Shilvati (1928) at Sundariona Shangar. Ang Nagmati (1932) ang kaniyang nag-iisang nobela. Ang Khatimithi Balavato at Kumaroni Pravaskatha ay mga akda niyang panitikang pambata.[2]
Ang Padarni Vanaspati I-II (1954–55), Anganana Pankhi I-II (1955–56), Padarna Pankhi (1956) ang kaniyang mga akda sa botaniya at ornitolohiya.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Akademi, Sahitya. Whos Who Of Indian Writers (sa wikang Ingles). Dalcassian Publishing Company.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Whos Who Of Indian Writers. New Delhi: Sahitya Akademi. 1961. p. 143.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 "મનુભાઈ જોધાણી" (sa wikang Gujarati). Gujarati Sahitya Parishad. Nakuha noong 2020-04-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 Desai, Ratilal Deepchand (2003). "7. ધિંગા લોકસાહિત્યકાર શ્રી મનુભાઈ જોધાણી". Sa Desai, Nitin R. (pat.). Amruta-Sameepe (sa wikang Gujarati). Ahmedabad: Gurjar Granthratna Karyalaya. pp. 373–374.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Indian P.E.N. (sa wikang Ingles). P.E.N. All-India Centre. 1968.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Gujarat. Ahmedabad: Smt Hiralaxmi Navanitbhai Shah Dhanya Gurjari Kendra, Gujarat Vishvakosh Trust. 2007. pp. 235, 426.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Contribution of Gujarat to the Field of Folklore". Indian Folklore Research Journal. National Folklore Support Centre (2–5): 77. 2002.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 JAMUNA, K. A. (2017-06-01). Children's Literature in Indian Languages (sa wikang Ingles). Publications Division Ministry of Information & Broadcasting. ISBN 978-81-230-2456-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jamunā, Ke E.; Division, India Ministry of Information and Broadcasting Publications (1982). Children's literature in Indian languages (sa wikang Ingles). Publications Division, Ministry of Information and Broadcasting, Govt. of India.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Magara, Naresh (Enero–Pebrero 2019). "ગુજરાતી લોકસાહિત્યક્ષેત્રે થયેલ સંશોધન – સંપાદનની કામગીરીની રૂપરેખા". Sahitya Setu (sa wikang Gujarati). Tanvi Shukla. 9 (49). ISSN 2249-2372.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2023) |