Pumunta sa nilalaman

Manuel Colayco

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Manuel Colayco
Mayo 29, 1906Pebrero 10, 1945
Pook ng kapanganakan Lungsod ng Pasay, Pilipinas
Pook ng kamatayan Maynila, Pilipinas
Pinapanigan Komonwelt ng Pilipinas
Palingkuran/sangay Hukbong Katihan ng Pilipinas
Hanay Kapitan
Labanan/digmaan Labanan sa Bataan
Labanan sa Maynila (1945)

Si Kapitan Manuel Colayco (Isinilang noong Mayo 29, 1906 sa Lungsod ng Pasay - Namatay noong Pebrero 10, 1945 sa Maynila) ay isang katutubo ng Pasay, isang manunulat, at isang dating sundalong Pilipino na naging pinuno ng mga gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kaanib ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at mga kumilalang gerilyang noong sumiklab ang Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila noong 1945. Lumaban siya sa mga Hapon.

Maagang buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Manuel Colayco ay ipinanganak sa Lungsod ng Pasay noong Mayo 29, 1906. Siya ang panganay sa walong anak nina Rufo Colayco at Petrona Carlos. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Ateneo Municipal de Manila at nagkamit ng antas ng A.B.. Siya ang unang namamahala ng Guidon, isang pahayagan ng mga estudyante. Nagtapos siya noong 1930. Habang nagpatuloy ng pag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas, kasabayang naghanapbuhay siya bilang tagapagturo sa isang babaeng paaralan sa Maynila. Nakapagtapos siya bilang estudyante ng batas sa loob ng naturang pamantasan, at nagtapos noong 1939. Siya ang unang namahala ng Komonwelt ng Pilipinas.

Bilang isang sundalo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1941, sa panahon ng Digmaang Pasipiko, nagpatala siyang tauhan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. Sumali ang kanilang pangkat sa Bataan at sa Martsa ng Kamatayan sa Bataan noong Abril 9, 1942. Pagkatapos mapalaya mula sa Kampong Pagpapagitna ng Capas, hinagilap niya ng lahat ng kanyang mga kaibigan at naglathala ng pahayagang tinawag na Kalayaan. Inakay siya ng isang pulutong ng mga sundalo sa panahon ng Pagpapalaya sa Maynila mula sa kaanib ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at mga kumilalang gerilyang nakipaglaban sa mga Hapon. Binawian siya ng buhay, habang nagliligtas ng mga Pilipino at Amerikanong nabihag na tumulong sa mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Pamantasan ng Santo Tomas.

Napatay si Kapitan Manuel Colayco sa Lungsod ng Maynila noong Pebrero 10, 1945. Tinamaan siya ng putok ng ripleng baril ng mga sundalong Hapones.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Quirino, Carlos. Who's who in Philippine History (Sinu-Sino Ang Nasa Kasaysayan ng Pilipinas). Maynila: Tahanan Books, 1995.

Kawil panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]