Marcus Kann
a | b | c | d | e | f | g | h | ||
8 | 8 | ||||||||
7 | 7 | ||||||||
6 | 6 | ||||||||
5 | 5 | ||||||||
4 | 4 | ||||||||
3 | 3 | ||||||||
2 | 2 | ||||||||
1 | 1 | ||||||||
a | b | c | d | e | f | g | h |
Si Marcus Kann (1820 sa Vienna - Pebrero 3, 1886) ay isang Austriyanong manlalaro ng ahedres. Siya at si Horatio Caro ay magkasamang nag-aral at naglathala ng kanilang pagsusuri sa pagbubukas ng larong ahedres na kalaunan na tinawag na Depensang Caro-Kann (1.e4 c6) sa magasing Aleman na Bruederschaft noong 1886.
Noong Mayo 1885 sa Hamburg, tinalo ni Kann ang kampeong Aleman-Briton na si Jacques Mieses gamit ang Depensang Caro-Kann ( ECO B12) sa loob lamang ng 17 mga paggalaw. Ang larong ito ni Kann ay idinagdag sa pangwakas na aklat ng paligsahan, ngunit ang kanyang mga laro mula sa pangunahing torneyo, kung saan nakakamit siya ng apat na puntos mula sa pitong laro ngunit nabigong maging kwalipikado upang manalo sa kanyang pangkat, ay nanatiling hindi nailathala.
Ang magasing Deutsche Schachzeitung (1886, p. 128) ay naglathala ng isang maikling obitwaryo ng kanyang kamatayan.