Pumunta sa nilalaman

Maria Cristina ng Austria

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Maria Christina ng Austria)
Maria Cristina ng Austria
Reyna ng Espanya
Mga pamagatHM Reyna Maria Cristina ng Espanya (1885–1929)
HM Ang Reyna ng Espanya (1879–1885)
HI&RH Arsodukesa Maria Christina ng Austria (1858–1879)
PinaglibinganEl Escorial
Konsorte29 Nobyembre 1879 – 25 Nobyembre 1885
Konsorte kayAlfonso XII
SuplingMercedes, Maria Teresa ng Espanya, Alfonso XIII
Bahay MaharlikaKabahayan ng Hapsburgo-Lorena
AmaArsoduke Karl Ferdinand ng Austria
InaArsodukesa Elisabeth Franziska ng Austria
Armas ni Reyna Maria Christina

Si Maria Cristina, Prinsesang Imperyal at Arsodukesa ng Austria-Teschen, Prinsesang Royal ng Hungarya at Bohemia (Maria Christina Désirée Henriette Felicitas Rainiera von Habsburg-Lothringen, 21 Hulyo 1858 – 6 Pebrero 1929) ay ang pangalawang Reynang konsorte ni Haring Alfonso XII ng Espanya at dating Reynang Reynante ng Espanya noong kapanahunan ng minoridad o kabataan ng kaniyang anak na lalaking si Alfonso XIII at noong panahon ng abeyansiya (kawalan ng galaw) ng trono bago isilang si Alfonso XIII, mula 25 Nobyembre 1885 – 7 Mayo 1902.

Bilang Reyna ng Espanya, inibig niyang pangalagaan ang kapakanan ng trono para sa kaniyang anak na si Alfonso XIII, subalit hindi niya ganap na masugpo ang mga suliranin at presyong domestiko at pampolitika, kaya't naitalaga ang Espanya sa pagkakaroon ng digmaan laban sa Estados Unidos noong 1898.[1]

Kilala sa kaniyang mag-anak bilang Christa, ipinanganak siya sa Kastilyong Židlochovice (Groß Seelowitz), malapit sa Brno, sa Moravia, isang anak na babae ni Archduke Karl Ferdinand at ng esposang si Arsodukesa Elisabeth Franziska ng Austria.

Sina Arsoduke Charles ng Austria at Prinsesa Henriette Alexandrine ng Nassau-Weilburg ang kaniyang mga lolo at lola sa ama.

Pinakasalan ni Maria Christina si Haring Alfonso XII ng Espanya noong 29 Nobyembre 1879 sa Basilika ng Atocha sa Madrid, at naging ina ng tatlo lamang na mga tunay na anak: na sina: Infanta (Prinsesa) Mercedes, Prinsesa ng Asturias, Infanta Maria Teresa ng Espanya, at Alfonso (isinilang pagkatapos ng pagkakahiwalay o pagkamatay sa haring asawa). Dating asawa ni Haring Alfonso XII si Mercedes ng Orléans, na namatay kalahating taon matapos silang pag-isahing-dibdib, na hindi naman naging usapin o suliranin.

Nang mamatay ang Hari, nagdadalang-tao si Maria Christina, kaya walang aktibidad ang trono, ayon sa magiging anak ni Maria Cristina (kung lalaki ba o babae); magiging hari ang sanggol kung lalaki ito, samantalang maluluklok sa trono ang matanda niyang anak na babaeng si Infanta Maria Mercedes kung babae. Sa panahong ito, namuno si Maria Christina bilang rehiyente hanggang sa isilang ang kaniyang anak na lalaki, na si Alfonso XIII ng Espanya mula sa pagsilang. Nagpatuloy si Maria Cristina bilang rehiyente hanggang sa umabot sa kaniyang mayoridad (nasa hustong edad) si Alfonso XIII noong 1902.

Sumakabilang buhay si Maria Cristina sa Palasyong Royal sa Madrid at inilibing sa El Escorial.

  1. Karnow, Stanley (1989). "María Cristina". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Campos y Fernández de Sevilla, Francisco-Javier. María Cristina de Habsburgo y la Regencia, 1885–1902. San Lorenzo de El Escorial: Estudios Superiores del Escorial, Real Colegio Universitario "María Cristina", 1994.
  • Cancio R. Capote, Rita Maria. The Function of Maria Christina of Austria's Regency, 1885–1902, in Preserving the Spanish Monarchy. México: Ediciones Botas, 1957.
  • Figueroa y Torres, Alvaro de, Conde de Romanones. Doña María Cristina de Habsburgo Lorena, la discreta regente de España. Madrid: Espasa-Calpe, 1934.
  • Martín Alonso, Aurelio. Diez y seis años de regencia, María Cristina de Hapsburgo-Lorena, 1885–1902. Barcelona: L. Tasso, 1914.
  • Thoma, Helga. Habsburgs letzte Herrscherin: Maria Christine, Erzherzogin von Österreich, Königin-Regentin von Spanien. Wien-Klosterneuburg: Edition Va Bene, 2003.
Maria Cristina ng Austria
Kadeteng sangay ng Kabahayan ng Lorena
Kapanganakan: 21 Hulyo 1858 Kamatayan: 6 Pebrero 1929
Maharlikang Kastila
Sinundan:
Mercedes ng Orléans
Reynang Konsorte ng Espanya
1879–1885
Susunod:
Victoria Eugenie ng Battenberg