Maria Hrinchenko
Si Maria Mykolayivna Hrinchenko (Ukranyo: Марія Миколаївна Грінченко; Hulyo 13, 1863 - Hulyo 15, 1928, sa Bohodukhiv, Ukranya) ay isang Ukranyanang folklorista na aktibo sa pagliko ng ika-20 siglo. Ginampanan niya ang isang mahalagang papel sa pangangalaga at pag-unlad ng Ukranyanong kuwentong-pambayan.
Sa kaniyang buhay, nakolekta at inilathala niya ang higit sa 100 Ukranyanong kuwentong-pambayan at higit sa 1200 kawikaang-pambayan. Nag-akda din siya ng pananaliksik at mga talambuhay nina Opanas Markovych, Leonid Hlibov, Ivan Franko, at Borys Hrinchenko, bukod sa iba pa.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak siya noong 1863 bilang Maria Gladilina malapit sa Bohodukhiv, isang anak na babae ng isang menor na opisyal sa lokal na pamahalaan. Ang katayuan ng kaniyang pamilya ay nagbigay sa kaniya ng magandang edukasyon; nag-aral siya ng kasaysayan, panitikan, at ilang wikang banyaga. Nagpakasal siya kay Borys Hrinchenko, na, kasama ang kaniyang ama, ay naging instrumento sa pundasyon ng Pamantasang Kharkiv.
Mula 1910 hanggang 1918, pinamunuan niya ang Palimbagang Borys Hrinchenko.
Siya ay miyembro ng akademyang Kharkiv. Ang kaniyang mga huling taon sa akademya ay itinuturing na pinakaaktibo niya. Nakilala niya ang kaniyang mga kaibigan sa buhay at kalaunan ay mga correspondent sa bahaging ito ng kaniyang buhay edukasyon. Naging malapit din siya sa bagong batang punong-guro noong mga huling araw niya sa akademya. Pagkatapos umalis sa akademya, dumalo siya sa babaeng seminaryo sa loob ng maikling panahon ng sampung buwan, malamang na naputol dahil sa mahinang kalusugan.
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinulat ni Hrinchenko ang kaniyang mga unang gawa sa Aleman, simula noong 1880. Bukod sa isang kasanayan sa Aleman siya ay nagsasalita ng Ukranynano pati na rin ng Polako. Sina Taras Shevchenko at Ivan Franko ang pangunahing inspirasyon ng kaniyang maagang panulaan. Ito ay nauugnay sa kalungkutan ng makata, panlipunang paghihiwalay, at sa pamamagitan ng pagsamba sa kalayaan ng bansang Ukranya. Ang kaniyang unang koleksiyon ng mga tula ay inilathala noong 1898.
Noong 1887-1893 nagtrabaho siya bilang isang guro sa isang paaralang pambayan ng Khrystyna Alchevska na ngayon ay matatagpuan sa Luhansk Oblast.
Kinatuwang ni Hrinchenko si Borys Hrinchenko sa pagtala ng buhay na bernakular bilang paghahanda sa Diksiyonaryo ng Wikang Ukranyano.
Mga impluwensiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang karagdagan kina Shevchenko at Franko, ang gawain ni Hrinchenko ay naimpluwensiyahan nina Henrik Ibsen, Edmondo De Amicis, at Leo Tolstoy.
Mga sanggunian at panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Skrypnyk, P. Maria Hrinchenko (ГРІНЧЕНКО МАРІЯ МИКОЛАЇВНА) . Encyclopedia of History of Ukraine. 2004