Pumunta sa nilalaman

Mandaragat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Marinero)

Ang mandaragat, na tinatawag ding magdaragat, magdadagat, manlalayag, maglalayag, marino, o marinero (Ingles: seaman, mariner, o sailor; ang seaman ay akma para sa "mandaragat", habang ang sailor ay partikular para sa "manlalayag", at ang mariner ay angkop para sa "marinero" at "marino"), ay isang tao na naglalakbay at naglilibot ng mga sasakyang pantubig o tumutulong sa mga operasyon, pagpapanatili, at paglilingkod ng mga ito. Ang kataga ay mailalapat sa mga dalubhasang mandaragat (mga marinerong propesyunal), mga tauhan ng militar, at mga manlalayag na pangrekreasyon, pati na sa marami pang ibang paggamit. Kaugnay ng etimolohiya, ang pangalan ay nagpapanatili ng pag-alala sa kapanahunan noong ang mga barko o bapor ay karaniwang pinaaandar ng mga layag, subalit inilalapat ito sa mga tauhan ng lahat ng mga sasakyang pantubig, anuman ang kanilang gawi ng lokomosyon o pagpapatakbo.

Ang mga propesyunero ay lumisan na mula sa industriya at namuhay ng kapuri-puri sa serbisyong nabal (pandagat) o sa pampang. Bilang halimbawa, si Traian Băsescu ay sinimulan ang kanyang karera bilang isang ikatlong kasama noong 1976 at ngayon ay naglilingkod bilang Pangulo ng Romania. Si Arthur Phillip ay sumali sa Hukbong-Dagat na Mangangalakal (Merchant Navy) noong 1751 at pagkalipas ng 37 mga taon ay naging tagapagtatag ng Sydney, Australia. Ang mandaragat na mangangalakal na si Douglass North ay naging mandaragat muna na naging nabigador (manlilibot) bago nagantimpalaan ng Premyong Nobel sa Ekonomiya noong 1993.

Trabaho Ang lathalaing ito na tungkol sa Trabaho ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.