Pumunta sa nilalaman

7th Skool

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Marlon Reyes)
7th Skool
7th Skool, bersiyong anime
7th Skool, bersiyong anime
Kabatiran
PinagmulanLungsod ng Cabanatuan, Pilipinas
GenreAlternative Rock, Punk Rock, Pop Rock, Rap-Metal, Metal
Taong aktibo2006 - kasalukuyan
LabelSarili (Pilipinas)
MiyembroGideon Reyes
Marlon Reyes
Andrew Sardillo
Allan Teneza
Cepi Toralba
Dating miyembroStanley Quines
Henley Miranda
Websitehttp://www.facebook.com/7thskool

Ang 7th Skool ay isang banda ng Filipino / Pinoy Rock, (binubuo ng limang miyembro).

Ang 7th Skool ay isang banda ng limang katao mula sa Lungsod ng Cabanatuan, lahat sila ay gumagawa ng mga awitin upang magkaroon ng tulay ang mga tugtugang mabibigat at magagaan para sa ikasisiya ng lahat.

Ang banda ay binubuo nila - Gideon Reyes, bokalista; Marlon Reyes at Andrew Sardillo, mga gitarista; Allan Teneza, bahista; at Cepi Toralba, tambolero.

Ang kanilang musika ay pinaghalo-halong rock, pop, metal, rap-metal at minsan ay konting reggae na may kasamang banayad na melodiya upang makasabay ang lahat kahit sa unang beses pa lang silang marinig.

Taon ng Pre-Skool

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago pa man mabuo ang bandang 7th Skool ay magkakasama ng tumutugtog sina Gideon Reyes, Marlon Reyes at Allan Teneza bilang isang banda. nagsimula iyon noong nasa mataas na paaralan pa lamang sila. bumuo si Gideon ng banda kasama si Allan at Stanley (dating miyembro) ng sila ay nasa mataas na paaralan pa lamang. at sumama sa kanila si Marlon Reyes noong kolehiyo na sila. Dahil wala silang permanenteng tambolero nahirapan silang itaguyod ang kanilang banda subalit hindi iyon naging hadlang upang sila ay magpatuloy.

Unang araw ng Skool

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Enero taong 2006 nakumpleto rin ang miyembro ng 7th Skool ng sumapi sa kanila si Henley Miranda (dating miyembro) upang maging permanenteng tambolero. Ang pangalang 7th Skool ay kanilang kinuha sa pina-ikling 7th day of school. Dahil sila ay mga estudyante pa ng mga panahong iyon nag-aaral sila sa pamantasan mula Lunes hanggang Sabado at sa araw ng Linggo kung saan na tinatawag din na pampitong araw ng karamihan ay kanila namang ginagawa ang kanilang pag eensayo sa musika. Kaya tinawag nila itong 7th day of school, at doon nag mula ang pangalan ng kanilang banda na 7th Skool.

Biyahe sakay ng SkoolBus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong taong 2006 pinalad ang banda na maging isa sa limang finalist ng Globe Kantabaatan, gamit ang sarili nilang likhang awit na pinamagatang 'Skool Bus'. Ngunit sila ay hindi pinalad na maiuwi ang tropeyo. Kaya ng taong ding iyon ay muli silang sumabak at pinalad na maging kampiyon sa Juicy Fruit Rockousticmania. Gamit naman ang kanilang awit na 'Magkabilang Pangarap'.

Skool Graduation

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong taong 2007 namaalam si Henley sa banda at makalipas ang isang taon ganun din si Stanley. nagpaalam ang dalawa upang ayusin ang kanilang pag-aaral at ibang mga importanteng bagay.

7th Skool Sounds Kool

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Taong 2007 sumapi si Cepi Toralba at makalipas din ang isang taon sumapi naman si Andrew Sardillo upang sila ay maging panibagong tambolero at gitarista ng banda. Sumali at pinalad ang banda na maging finalist sa Nescafe Soundskool noong taong 2008, subalit hindi sila pinalad na maging kampiyon sa nasabing paligsahan.

Mga Diskrographiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Piling Awitin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Pagdurusa
  • Out of Coverage
  • Muli ba?
  • Ketchup
  • Malikmata
  • Ingay
  • Skoolbus
  • Magkabilang Pangarap (wetdreams)
  • The Story Goes Again
  • Saranggola
  • Let the Stars
  • Abandon me
  • Insanity
  • Reason to smile

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]