Marta Shpak
Si Marta Shpak (Starling) (Марта Шпак) ay isang Ukranyanang folk-pop na mang-aawit, manunulat ng kanta, artista, at koreograpo na may natatanging liriko na boses at isang malakas na track record ng edukasyon. Siya ay propesyonal sa Music at Beauty Business. Pinasaya niya ang libo-libong tao sa maraming bansa sa Europa at Canada sa kaniyang maganda at makapangyarihang pag-awit. Si Shpak ay unang nagsimulang gumanap nang propesyonal sa edad na lima at naglabas ng limang album. Si Marta Shpak ay mayroong Master's Degree sa Artes mula sa Pamantasang York Canada (Programang Araling Teatro at Pagtatanghal) at at Master's Degree sa Koreograpiya at sa Pamamahala mula sa National Academy of Government Managerial Staff of Culture and Arts (Kyiv, Ukranya). Ang mang-aawit ay pinangalanang The Honored Artist of Ukranya noong 2009 ng Pangulo ng Ukranya, bilang pagkilala sa kaniyang dedikasyon bilang pangunahing soloista ng State Ensemble ng mga kanta at sayaw ng Ministry of Internal Affairs ng Ukranya.[1][2]
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Marta Shpak ay ipinanganak sa Perehinske (rehiyon ng Ivano-Frankivsk), Ukranya. Musika ang pangunahing interes at libangan niya noong bata pa siya. Nag-aral siya sa paaralan ng sining ng mga bata, mga paglilibot kasama ang folk ensemble na "Malenki Boiky" (Маленькі бойки). Ang kaniyang ina na si Nataliya Shpak, ay may mahalagang bahagi sa pagbibigay sa kaniya ng mga aralin sa musika at nagbigay ng inspirasyon. Sa edad na 5, si Marta at ang kaniyang kapatid na si Ann, ay unang nagsimulang magtanghal at manalo ng mga kumpetisyon sa mga purong-Ukranya at mga Pandaigdigang pistang-pambayan.[3]
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1999 pumasok siya sa State College of Arts sa Chernivtsi, kung saan nag-aral siya ng Koreograpo at sinimulan ang kaniyang karera bilang isang solo na mang-aawit, na nakikipagtulungan sa kompositor at guro ng mga vocal na si Oksana Kyrylyuk. Ang kaniyang unang studio track na "Rainbow Paradise" at Bukovyna ay isinulat ni Valeriy Syrotiuk (paring Ukranyano) at naging napakapopular sa rehiyong iyon ng Ukraine. Mula 2003 hanggang 2008 si Marta Shpak ay dumalo sa National Academy of Government Managerial Staff of Culture and Arts sa Kyiv kung saan nakuha niya ang kaniyang Master's degree sa Modernong koreograpiya at Pamamahala ng mga organisasyon at Sining sa Pagtatanghal; naging Soloista/Mang-aawit ng State Ensemble ng mga kanta at sayaw ng Ministro ng Uganayang Panloob ng Ukranya at isang Aktris ng pampanulaang teatro na "Mushlya" ("Ang Kabibe", direktor - Sergiy Arkhypchuk). Noong 2019, si Shpak ay naging kandidato ng MA sa Pamantasang York, Toronto, Canada, na nagtatrabaho sa loob ng Programang Araling Teatro at Pagtatanghal sa Faculdad ng Mahusay na Sining, TV, at Media.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Marta Shpak Linkedin Profile". Nakuha noong Agosto 1, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2013 Canstar Community News about Folklorama festival in Winnipeg Canada". Nakuha noong Agosto 1, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Marta Shpak's Website". Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 4, 2018. Nakuha noong August 1, 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong)