Pumunta sa nilalaman

Mas gusto kong umiyak sa isang BMW

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mas gusto kong umiyak sa isang BMW
Tradisyunal na Tsino寧在寶馬車裏哭,也不在自行車上笑
Pinapayak na Tsino宁在宝马车里哭,也不在自行车上笑
Kahulugang literalMas gugustuhin kong umiyak sa isang BMW, kaysa ngumiti sa isang bisikleta

Ang "Mas gusto kong umiyak sa isang BMW" ay isang sipi na naging online na sensasyon sa Republikang Bayan ng Tsina noong 2010. Ang pangmatagalang pamilyar na parirala ay pinasikat ni Ma Nuo, isang 20 anyos na babaeng kalahok sa Fei Cheng Wu Rao, isang palabas sa telebisyon sa Tsina. Ang linya ay tugon sa tanong ng isang walang trabaho na manliligaw na nagtanong kung si Ma ay "magbibisikleta kasama niya" sa isang tipanan. Ang mga serye ng mga kaganapan ay naibuod ng media na may sipi na "Mas gugustuhin kong umiyak sa isang BMW kaysa ngumiti sa isang bisikleta".[1]

Sa mga panayam pagkatapos ng nasabing palabas, malinaw na itinanggi ni Ma na siya'y isang gold digger[2] at sinabi niya na "gusto lang niyang tanggihan [ang kanyang manliligaw] sa isang malikhaing paraan."[3] Ayon sa puna ni Chen Zhigang, isang komentador sa lipunan, ang opinyon ni Ma Nuo ay umaalingawngaw sa mga kabataan na lumaki sa isang lipunang mabilis na nakakaipon ng materyal na yaman at "sumasamba sa pera, mga kotse at mga bahay dahil ang lubhang pag-unlad na ekonomiya ang nagtulak sa kanila na gawin ito."[4]

Ang tapat na katangian ng pahayag ay gumagana nang maayos sa format ng nasabing palabas, at hindi ito ang unang kontrobersyal na pariralang lumabas mula sa Fei Cheng Wu Rao. Ito ay binanggit ng mga kritiko bilang isang bintana sa "pagkasira ng mga pagpapahalagang panlipunan ng mga Tsino,"[3] at nakuha pa ang atensyon ng mga sensura ng pamahalaan, na sa kalaunan ay pinilit ang mga tagalikha na muling idisenyo ang format ng palabas.[5]

Tinukoy ni Propesor Jinhua Zhao ng Unibersidad ng British Columbia ang sipi upang tukuyin ang mga uso sa huling dekada kung saan ang mga residente ng Beijing ay nagpasyang tanggalin ang kanilang mga bisikleta pabor sa mga kotse bilang isang paraan ng transportasyon, na binabanggit ang panlipunang pananaw na, "ang mga bisikleta ay para sa mga talunan."[6]

Mga tala at sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. MacLeod, Calum (Mayo 17, 2010). "China smitten by TV dating". USA Today (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 18, 2023. Nakuha noong Enero 18, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Taong nakikibahagi sa isang uri ng transaksyonal na relasyon para sa pera kaysa sa pag-ibig.
  3. 3.0 3.1 Yang, Xiyun (Hulyo 18, 2010). "China's Censors Rein in 'Vulgar' Reality TV Show". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 30, 2013. Nakuha noong Enero 18, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lin, Qi (Abril 24, 2010). "The Dating game by Jiangsu TV". China Daily (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 1, 2013. Nakuha noong Enero 18, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Wong, Edward (Enero 1, 2012). "China TV Grows Racy, and Gets a Chaperon". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 30, 2013. Nakuha noong Enero 18, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Bruno, Debra (Abril 10, 2012). "The De-Bikification of Beijing" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 3, 2013. Nakuha noong Enero 18, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)