Masters at Johnson
Ang pangkat sa pananaliksik na Masters at Johnson na binubuo nina William H. Masters at Virginia E. Johnson, ay gumawa ng pananaliksik tungkol sa mga reaksiyon ng mga tao tuwing sila'y natatalik. Sila rin ay nanaliksik tungkol sa pagkilala at paggamot ng sakit na sekswal.
Nagsimula silang nagtrabaho sa Departamento ng Obsetriko at Hinekolohiya sa Pamantasang ng Washington sa St. Louis at itinuloy nila ito, noong 1964, bilang isang independenteng at di-kumikitang organisasyon na unang ipinangalan bilang Reproductive Biology Research Foundation, ngunit pinalitan noong 1978 bilang Masters & Johnson Institute.
Sa simula na kanilang pananaliksik, mula 1957 hanggang 1965, itinala nila ang ilang unang datos ng laboratoryo sa anatomiya at pisyolohiya ng tugong sekswal na batay sa tuwirang pagmamasid ng 382 na babae at 312 na lalaki kung saan tinatawag nila bilang ang tinatayang "10,000 kumpletong siklo ng tugong sekswal."
Nagsulat sila ng dalawang aklat tungkol sa mga nahanap nila at nilimbag sa pangalan na Human Sexual Response at Human Sexual Inadequacy noong 1966 at 1970. Ang mga libro nito ay naging mabenta at isinalin sa 30 na wika.