Mataas na paaralang pang-agham
Ang mataas na paaralang pang-agham (Ingles: Science High School) ay isang uri ng mga paaralang sekondarya na gumagamit ng Special Science Curriculum at hindi sa regular na kurikulum o Basic Education Curriculum na pinapataw ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Mataas ang mga standards sa mga Mataas na paaralang pang-agham dahil may mahigpit na pagsusulit na pinapataw sa mga may gusto mag-aral dito.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si dating Pangulong Ramon Magsaysay ang unang nagsabi na kanyang isinapananaw na magkaroon ng paaralang pang-agham sa kanyang 1956 na SONA, kung saan kanyang sinabi na "ang pinakamatinding pangangailangan ng pagpahusay ng fundamental at applied research sa agham at teknolohiya na matagal na natin di napapansin(the great need of stepping up the development of fundamental and applied research in science and technology which has long been neglected)." Gumalaw ang Batasan ng Pilipinas upang maipasa ang RA 1606, na lumikha sa National Science Development Board upang makipagkaisa sa Science Foundation of the Philippines sa pagpapaunlad ng pananaliksik sa agham at makabagong kagamitan. Ito'y mabilisang sinundan ng RA 2067, na kinikilala bilang Science Act of 1958 na nagmungkahing pag-isahin at patindihin ang pananaliksik sa agham at makabagong kasangkapan upang mag-udyok ng paglikha ng bagong mga kaisipan sa agham at makabagong kagamitan. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay kumilos din upang maisakatuparan ang RA 1606 sa pamamagitan ng paglabas ng DO 1 at DO 5, taon 1958, upang mailunsad ang Science Talent Research. Noong ika-25 ng Nobyembre, 1959 naganap ang unang hakbang sa paggawa ng kauna-unahang paaralang pang-agham sa Maynila at Pilipinas. 32 mga mag-aaral ang napili sa pamamagitan ng pagdaan sa matinding malatagisang pagsusulit. Itong ubod ng mataas na paaralang pang-agham ay nagsimula mula sa isang palapag na gusali sa Intramuros. Ang unang Mataas na paaralang pang-agham na itinayo ay ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila.