Pumunta sa nilalaman

MediaWiki:Captchahelp-text

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga websayt na tumatanggap ng mga pagsulat mula sa publiko, katulad ng wiki na ito, ay kadalasang pinaglalabisan ng mga spammer na gumagamit ng awtomatikong kagamitan upang ilagay ang mga ugnay (link) sa maraming mga sayt. Habang maaaring alisin ang mga ugnay na ito, tinuturing itong nakakainis o hindi maganda.

Kadalasan, lalo na sa pagdagdag ng bagong ugnay sa isang pahina, maaaring magpakita ang wiki sa iyo ng isang larawang may kulay o di-maayos na teksto at tatanungin ka na ipasok ang mga salitang pinapakita. Yayamang mahirap gawing awtomatiko ang gawain na ito, pinapahintulot ang mga totoong tao na magpadala ng teksto habang pinipigil ang mga spammer at ibang mapaminsalang robot.

Sa kasamaang palad, maaaring hindi ito nakagagaan sa mga tagagamit na may limitadong paningin o gumagamit ng mga browser na may teksto o pagbigkas lamang. Sa kasalukuyan, walang alternatibong awdyo na magagamit. Makipag-ugnay sa mga namamahala para matulungan ka kung hindi ka makasulat ng lehitimong teksto na hindi mo inaasahan.

Pakipindot ang 'back' na buton ng inyong browser upang makabalik sa pahina ng editor.