Media conglomerate

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang media conglomerate ay isang lupon ng mga kompanya na pagmamay-ari lamang ng isang korporasyon. Ang mga kompanyang ito ay nasa larangan ng media tulad ng dyaryo, radyo, telebisyon, pelikula, advertising, Internet, at iba pa.

Sa Pilipinas, tinuturing na pinakamalaking media conglomerate ang ABS-CBN Corporation dahil sa malawak na pagmamay-ari nito sa publishing, radyo, telebisyon at Internet.

Kritisismo[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa maraming iskolar ng midya, ang pagkakaroon ng media conglomerates ay nakakasama sa lipunan. Malaki ang impluwensiya ng midya sa pagpapalaganap ng impormasyon sa mga tao kaya kung halos isang kompanya lang ang nagmamay-ari sa mga media outlets, mula sa iisang perspektibo lang din ang impormasyong makakarating sa mga mamamayan.

Umiiral din ang posibilidad na ang balita sa mga estasyong kabilang sa iisang media conglomerate ay maging "biased" sa nasabing kompanya.

Magkakaroon din ng kakulangan sa kaibahan ng programa at isang dominanteng opinyon lang ang iiral sa lipunan.

Mga Kawing na Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.