Medusa
Si Medusa ay isang Gorgon, nilalang na may mga ahas sa ulo sa halip na mga buhok lamang, sa mitolohiyang Griyego at Romano. Nagiging bato ang lahat ng mga tumitingin sa kanyang mga mata. Dati siyang isang magandang dalagang ipinagmamalaki ang kanyang mga buhok, subalit ginawa siyang isang halimaw ng diyosang si Atena. Dahil ito sa paghahambing ni Medusa sa kanyang sarili kay Atena. Naging mga ahas ang kanyang mga siningsing sa ulo dahil sa angking kapangyarihan ni Atena. Pinalayas siya patungo sa isang kuweba, kung saan nakapiling niya ang dalawa pang mga Gorgon. Nakapiligid sa kanilang yungib ang mga hubog ng mga tao at mga hayop na naging bato dahil sa pagsulyap sa kaniyang mga mata.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Medusa, Greek Mythology". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 362.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.