Megumi Yokoyama
Megumi Yokoyama | |
---|---|
横山 めぐみ | |
Kapanganakan | |
Nasyonalidad | Haponesa |
Trabaho | Artista |
Aktibong taon | 1987–kasalukuyan |
Ahente | Production Ogi |
Telebisyon |
|
Kamag-anak | Tomohiko Yokoyama (nakakatandang kapatid) |
Si Megumi Yokoyama (横山 めぐみ Yokoyama Megumi, ipinanganak 2 Setyembre 1969 sa Toshima, Tokyo)[1] ay isang artista mula sa bansang Hapon na dating kinakatawan ang Oscar Promotion.[2] Natapos ang kanyang ugnayan sa Oscar Promotion noong Abril 2021. Pagkatapos ng dalawang buwan, noong Hulyo 1, 2021, sumali siya sa Production Ogi.[3]
Kilala si Megumi Yokoyama sa mga palabas tulad ng Kita no Kuni kara '87, Hatsukoi at Shinju Fujin. Lumabas din siya sa Kono yo no Hate (1994), Ultraman Trigger: New Generation Tiga (2021) at Ichi (2008).
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagtapos si Yokoyama sa Tokyo Metropolitan Takehaya Senior High School (Mataas na Paaralang Senyor ng Takehay ng Kalakhang Tokyo) at Pakultad ng mga Liham ng Pamantasang Aoyama Gakuin[1] sa Ikalawang Seksyon ng Departamento ng Edukasyon.
Noong 1995, pinakasalan ni Yokoyama ang tagasalaysay ng patalastas na si Yasuki Okawa, subalit dahil sa kanyang kasikatan sa Shinju Fujin ay naging abala siya at nagdiborsyo sila noong Disyembre 2002. Kasal siya kay Mamoru Ninobe simula pa noong Mayo 17, 2006.
Noong Hulyo 2021, lumipat si Yokoyama sa Production Ogi mula sa Oscar Promotion.
Hindi mapag-aalinlanganan na siya ay isang malakas na uminom. Ayaw ni Yokoyama sa mga narsisista. Lalo niyang "kinasusuklaman" ang mga lalaking matipuno at lasing sa katawan, sabi niya sa isang variety show.[4]
Lumabas siya sa maraming mga palabas sa telebisyon at pelikula. Isa na dito ang Chigireta ai no satsujin (na may pamagat sa Ingles na The Brutal Insanity of Love) na ipinalabas noong 1993 kung saan gumanap siya bilang isang detective o tiktik na nagngangalang Yoko Mizuhashi.[5] Gumanap naman siyang Nammy sa pelikulang noong 1995 na Gonin (na may Ingles na pamagat na The Five).[6] Lumabas din siya sa Ultraman Trigger: New Generation Tiga kung saan gumanap siya bilang ang karakter na si Reina Manaka, ang ina ni Kengo Manaka, ang reinkarnasyon ni Ultraman Trigger.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "横山めぐみ 〜タレント名鑑〜". Sponichi Annex (sa wikang Hapones). Sports Nippon. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-22. Nakuha noong 25 Enero 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "横山 めぐみ" (sa wikang Hapones). Oscar Promotion. Nakuha noong 25 Enero 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "横山めぐみ、「プロダクション尾木」所属に 「役者として人生を全うしたい」". ORICON NEWS (sa wikang Hapones). 2024-06-25. Nakuha noong 2024-07-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Down Town DX (sa wikang Hapones). 26 Mar 2009. Nippon TV.
{{cite episode}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Harper, Jim (2008). Flowers from Hell (sa wikang Ingles). Noir Publishing. ISBN 978-0-9536564-7-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Willis, John A. (2000). Screen World (sa wikang Ingles). Crown Publishers. ISBN 978-1-55783-411-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)