Pumunta sa nilalaman

Melquisedec

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Melchizedek)
Si Melquisedec.

Si Melquisedec ay isang pambihirang taong dalawang ulit na binanggit sa Bibliyang Hebreo o Matandang Tipan. Hari ng Salem  – o Herusalem[1]  – si Melquisedec, at pari o saserdote ng Pinaka Nakatataas, noong kapanahunan ng makabibliyang patriyarkang si Abram. Naglabas siya ng tinapay at alak, binasbasan si Abram, tumanggap ng mga pahunos mula sa kanya. (Hen. 14:18-20).[2] Tinukoy siya sa Salmo 110:4 kung saan ipinahayag ang matagumpay na hari bilang isang "... pari magpakailanman, alinsunod sa pagkapari ni Melquisedec."[3][4] Inaalala siya bilang isa sa mga Banal na mga Ninuno sa Kalendaryo ng mga Santo ng Armenyanong Apostolikong Simbahan tuwing Hulyo 30. Sa ritong Romano, inaalala siya tuwing Agosto 26. Binabanggit siya sa Romanong Kanon, ang Unang Panalanging Eukaristiko ng Romanong rito.

Nangangahulugan ang pangalan ni Melquisedec bilang "hari ng kakatuwiranan".[1]

Naghari si Melquisedec sa Salem, ang sinaunang pangalan para sa Herusalem. Isa itong lungsod na Cananeo noong kapanahunan ni Abraham. Bukod sa pagiging hari, isa rin siyang pari.[1]

Ayon kay Jose C. Abriol, isang tunay na pari si Melquisedec na nilarawan ni San Pablo bilang isang larawan ni Hesus.[3] Siya ang sagisag at prototipo ng "dakilang pari't haring" si Hesus.[1] Magkatulad sa tatlong bagay si Melquisedec at si Hesukristo: (a) sa pagkapari, (b) sa pagkahari, at (c) pareho silang nag-alay sa Diyos ng "tinapay at alak". Kapwa nagbuhat mula sa Diyos ang pagkapari ni Hesus at ni Melquisedec. Kaiba sila kapag inihambing kay Aron dahil hindi sila nagbuhat sa lahi ni Levi.[3]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Who was Melchizedek?, Genesis 14:18". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 4.
  2. Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008 http://angbiblia.net/default.aspx. {{cite ensiklopedya}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Melquisedec
  3. 3.0 3.1 3.2 Abriol, Jose C. (2000). "Melquisedec, at ang paliwanag ukol sa "alinsunod sa pagkapari ni Melquisedec"". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 27 at 925.
  4. Long, Dolores; Long, Richard (1905). "[http://adb.scripturetext.com/genesis/14.htm Melquisedec]". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com. {{cite ensiklopedya}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)