Membranopono
Ang membranopono o membranopon ay ang anumang instrumentong pangmusika na lumilikha ng tunog na pangunahing sa paraan ng pagtaginting ng nakabanat na membrano. Isa ito sa apat na pangunahing mga kahatian ng mga instrumentong nasa orihinal na iskemang Hornbostel-Sachs ng klasipikasyon ng mga instrumentong pangmusika.
Karamihan sa mga membrapono ay mga tambol. Pinaghati-hati ni Hornbostel-Sachs ang mga tambol sa tatlong pangunahing mga uri: mga tambol na pinapalo kung saan ang balat ay hinahampas sa pamamagitan ng isang patpat, ng kamay, o ng iba pang bagay; tambol na may bagting, kung saan ang isang nakataling bagting na nakakabit sa balat ay hinihila kaya't naipapasa ang mga bibrasyon o pagtaginting na pumapatong sa balat; ang mga tambol na pampriksiyon o kinikiskis (kinakaskas), kung saan ang isang uri ng paghimas na kilos ay nakapagdurulot sa balat na tumaginting (ang isang karaniwang uri ay mayroong isang patpat na lumalagos sa isang butas ng balat na hinihila nang pabalik-balik).
Bilang dagdag pa sa mga tambol, mayroon pang isang uri ng membranoponong tinatawag na "membranoponong umaawit", na ang pinakakilala ay ang kazoo. Ang ganitong mga instrumentong pangmusika ay nakapagpapabago ng tunog na nilikha ng ibang bagay na karaniwang tinig ng tao, sa pamamagitan ng pagpapataginting ng isang balat na sumasang-ayon sa boses ng tao.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.