Merkuryo (mitolohiya)
Si Merkuryo (Ingles: Mercury /ˈmɜːrkjʊri/; Latin: Mercurius [mɛrˈkʊrijʊs] ( pakinggan)) ay isang pangunahing diyos sa relihiyong Romano at mitolohiya, na isa sa 12 Dii Consentes sa loob ng sinaunang Romanong panteon. Siya ang diyos ng pakinabang sa pananalapi, komersyo, kahusayan sa pagsasalita, mga mensahe, komunikasyon (kabilang ang panghuhula), manlalakbay, mga hangganan, suwerte, panlilinlang, at mga magnanakaw; nagsisilbi din siya bilang gabay sa mga kaluluwa sa submundo (o daigdig sa ilalim ng lupa).[1][2]
Sa mitolohiyang Romano, tinuturing siyang na anak nina Maya, isa sa pitong anak ng Titan na si Atlas, at Hupiter, o nina Caelus at Dies.[3] Sa kanyang pinakamaagang anyo, mukhang mayroon siyang kaugnayan sa Etruskong diyos na si Turms; parehong mga diyos na may magkaparehong katangian kay Hermes, isang diyos ng mga Griyego. Madalas siyang sinasalarawan na may hawak na caduceus sa kanyang kaliwang kamay. Katulad ng kanyang katumbas sa Griyego na si Hermes, ginawaran siya ng isang engkantadong patpat ni Apolo, na sa kalaunan naging isang caduceus, isang tungkod na may nakapilipit na mga ahas.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hermes - bersiyon ni Merkuryo sa mitolohiyang Griyego