Mesencephalon
Ang artikulo na ito ay hindi sumisipi ng anumang sanggunian o pinagmulan. Tumulong sa pagpaganda ng artikulo sa pagdagdag ng mga sipi sa mga makakatiwalaang pinagmulan. Ang hindi matiyak na nilalaman ay maaaring mapagdudahan at matanggal. |
Ang mesencephalon o gitnangutak(Ingles: midbrain) ang bahagi ng sentral na sistemang nerbiyos na nauugnay sa bisyon(paningin), pandinig, kontrol na motor, pagtulog/paggising, pananabik(pagiging alert) at regulasyon ng temperatura.
Sa anatomiya nito, ito ay binubuo ng tectum(o corpora quadrigemina), tegmentum, ventricular mesocoelia (or "iter"), at ang cerebral peduncles gayundin ng ilang mga nuclei at fasciculi. Sa caudal nito, ang mesencephalon ay kasunod ng pons(metencephalon) at sa rostral nito ay kasunod ng diencephalon(Thalamus, hypothalamus, etc.). Ang gitnangutak ay matatagpuan sa ilalim ng cerebral cortex at sa itaas ng likurangutak na naglalagay dito na malapit sa sentro(gitna) ng utak.