Mesusa
Ang mesusa o mesusot (Ingles: mezuzah o מזוזה [isahan] o mezuzot o מזוזות [maramihan], nangangahulugan sa Hebreo ng "haligi ng pinto") ay ang pergamino o pinatuyong katad mula sa tupang may nakasulat na sitas mula sa Tanakh. Tinatatakan ito ng Shaddai o pangalan ng Diyos kapag ibinalumbon o ibinilot na. Ikinakabit ito sa may pintuan ng bahay upang mangahulugang may nakatirang Hudyong mag-anak sa tahanang pinaglagyan niyon.[1] Naglalaman o nasusulat ang pergaminong balumbong ito ng mga talata o talataan mula sa Aklat ng Deuteronomiyo, partikular na ang Deuteronomiyo 6:4-9 at ang Deuteronomiyo 11:13-21, at nakabilot o nakabalumbong inilalagay sa loob ng isang pinalamutiang sisidlan. Ipinapako ang lalagyang may mesusa sa haligi o poste ng pinto. Isa itong tanda ng pananalig at paalala ng walang humpay o walang maliw at mapagtalimang presensiya o pagdalo ng Diyos.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ The Christophers (2004). "Mezuzah, Bless This House - And Here's How". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Oktubre 4.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.