Digmaang Gotiko (535–554)
Digmaang Gotiko | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng tngka ni Justiniano sa muling pagsakop sa Kanlurang Imperyong Romano | |||||||||
| |||||||||
Mga nakipagdigma | |||||||||
Silangang Imperyong Romano Hun Heruli Sclaveni Lombardo |
Ostrogodo Franks Alamanni Burgundians | ||||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||||
Justiniano Belisarius Mundus † John Narses Bessas Germanus Liberius Conon Artabazes Constantinianus Vitalius Cyprian |
Theodahad Vitiges Ildibad Eraric Totila † Teia † Uraias Uligisalus Asinarius Indulf Scipuar Gibal |
Ang Digmaang Gotiko sa pagitan ng Silangang Romanong (Byzantine) Imperyo noong panahon ng paghahari ni Emperador Justiniano I at ng Ostrogodong Kaharian ng Italya nangyari mula 535 hanggang 554 sa Tangway ng Italya, Dalmatia, Cerdeña, Sicilia, at Corsica. Isa ito sa pinakahuli sa maraming Digmaang Gotiko na nilahukan ng Imperyong Romano. Nag-ugat ang digmaan sa ambisyon ng Silangang Romanong Emperador na si Justiniano I na mabawi ang mga lalawigan ng dating Kanlurang Imperyo ng Roma, na nakuha sa mga Romano sa pagsalakay ng mga barbarong tribo noong nakaraang siglo (ang Panahon ng Migrasyon).
Ang digmaan ay sumunod sa muling pananakop ng Silangang Romano sa lalawigan ng Africa mula sa mga Bandalo. Karaniwang hinahati ng mga mananalaysay ang digmaan sa dalawang yugto:
- Mula 535 hanggang 540: nagtatapos sa pagbagsak ng Ostrogodong kabesera ng Ravenna at ang maliwanag na muling pananakop ng mga Bisantino sa Italya.
- Mula 540/541 hanggang 553: isang Godong pagpapanumbalik sa ilalim ni Totila, na napigilan lamang pagkatapos ng mahabang pakikibaka ng Bisantinong heneral na si Narses, na tinanggihan din ang pagsalakay noong 554 ng mga Franco at Alemanni.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]