Pumunta sa nilalaman

Nauruano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga Nauruano)
Mga katutubo ng Nauru
Isang mandirigmang Nauruano, 1880
Kabuuang populasyon
c. 15,000
Mga rehiyong may malaking bilang nila
 Nauru11,000
Wika
Nauruano (katutubo), Ingles, Nauru Pidgin
Relihiyon
Kristiyanismo, Shamanismo, Animismo
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Polynesian, Melanesian at Micronesian

Ang mga Nauruano o Nauruan ay isang pangkat etniko na katutubo sa isla at bansang Nauru sa Pasipiko . Maaaring sila ay may halong lahi mula sa Micronesia, Melanesya at Polynesia.

Ang pinagmulan ng mga taong Nauruano ay hindi pa lubos na natutukoy. Marahil, ito ay dahil sa paglalayag o paglubog ng barko na nagmula sa Polynesia o Melanesia, at nagtatag doon sapagkat wala pang ni isang katutubong populasyon sa lugar. Samantala, ang mga taga-Micronesia ay tumawid na kasama ang mga nagmula sa Melanesia sa lugar na ito bago pa man sila dumating.

Ang mga Nauruano ay mayroong dalawang bahagi ng kanilang populasyon: ang mga katutubong Micronesian at ang mga Polynesian na naging ang pinakaunang imigrante sa isla. Ang mga Micronesian ay kinakatawan ng magaspang at maitim na buhok; ang mga Polynesian ay mas mapusyaw na kayumanggi at mayroong mas makinis at maitim na buhok.

Noong mga dekada 1920, kumalat ang sakit na trangkaso sa Nauru, na tumama sa mga taong Naurano. Noong 1925, ang mga unang kaso ng diabetes ay nasuri ng mga doktor doon. Ngayon, depende sa edad, dalawa sa tatlong mga Nauruano ang may sakit na diabetes - isa sa mga pinakamataas na bahagdan kaysa sa alinmang bansa sa buong mundo.