Pumunta sa nilalaman

Mga Pabula ni Esopo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga Pabula ni Aesop)
Aesopus moralisatus, 1485

Ang Mga Pabula ni Esopo ay mga tradisyunal na mga pabulang Griyego o mga maiikling kuwentong tungkol sa mga hayop na naglalaman ng mga moral na aral sa hulihan, at isinulat ni Esopo. Bago naisulat, nakaugaliang ipinapasa ng bibig sa bibig ang mga kuwentong ito. Sa kalaunan, naging bahagi rin ng tradisyon ng ganitong pagsasalaysay ang hinggil sa kuwento tungkol sa buhay ng may-akda ng mga pabulang ito, na maaaring hindi totoo. Unang tinipon ang mga pabulang ito noong mga ika-4 na daantaon BK. Nananatiling tanyag ang mga pabulang ito. Sa kasalukuyan, ang mga bersyong nalalaman at umiiral ay batay sa gawa ni Phaedrus, isang Romanong manunulat na, katulad ni Esopo, ay isa ring napalayang alipin ngunit nabuhay noong mga kapanahunan ni Hesus. Isang halimba ng pabula ni Esopo ang salaysay hinggil sa isang soro na nagpasyang maaaring maaasim ang mga ubas na hindi niya maaabot upang pitasin mula sa puno nito.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was the Author of Fables about Animals?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 73.

Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.