Kapuluang Salomon
Ang Kapuluang Salomon o Atol ng Salomon ay isang maliit na atol ng Arkipelago ng Chagos, Britanikong Teritoryo sa Karagatang Indiyano.
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang atol sa Hilagang-silangan ng Arkipelago ng Chagos sa pagitan ng Bahura ng Blenheim at Peros Banhos. Ang pangunahing mga pulo sa pangkat ay ang Île Boddam, na may dating panirahan, at isang lupain na may sukat na 1.08 km2 (0.42 mi kuw), at Île Anglaise (0.82 km2, 0.32 mi kuw), na parehong nasa kanlurang gilid ng bahura. May mas maliit na panirahan ng mga Chagosiyano sa Fouquet (0.45 km2, 0.17 mi kuw) at sa Kapuluang Takamaka (0.48 km2, 0.19 mi kuw). May sukat ang Île de la Passe ng 0.28 km2 (0.11 mi kuw), at ang Île Mapou naman ay 0.04 km2 (0.02 mi kuw). Mas maliit ang mga natitirang munting pulo. Ang kabuuang sukat ng lupain ay 3.56 km2 (1.37 mi kuw).
Mayroong pasukan sa danaw, na pinangalang Baie de Salomon, sa bandang Hilaga, sa pagitan ng Île Anglaise at Île de la Passe. Isa ang Kapuluang Salomon sa mga paboritong lugar ng pag-aangkla para sa mga naglilibot na mangyayate na dumadaan sa Chagos, kahit na walang wastong kagamitan sa barko para sa yate at kailangan ng isang permiso sa mga awtoridad ng BIOT. Wala nang nanirahan sa kapuluan at nakakalat dito ang mababang kagubatan sa pagitan ng mga puno ng niyog at napakahirap na mahanap ang mga bakas ng dating panirahan.[1][2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinanirahan ang atol na ito noong huling kalahati ng ika-18 dantaon ng mga manggagawa ng taniman ng mga niyog mula sa Isle de France (Mauritius na ngayon). Kakaunti lamang ang nalalaman sa kondisyon ng mga manggagawa na Aprikano ang pinagmulan ng karamihan. Pinakamalamang na namuhay sila sa mga kondisyon na malapit sa pang-aalipin. Tinatawag na Chagos Agalega Company ang kumpanyag kinasangkapan ang taniman.
Sinuri ang Kapuluang Salomon noong 1837 ni Komandante Robert Moresby ng Hukbong-dagat ng Indya sa HMS Benares. Nagakagawa ang pagsuri ni Moresby ng unang detalyadong mapa ng atol na ito. Sinuri muli ang atol noong 1905 ni Komandante B.T. Sommerville sa HMS Sealark, na ginuhit ang mas tumpak na mapa. Pinanirahan ng mga ilang Chagosiyano ang Kapuluang Salomon, subalit noong panahon na nagpasya ang Pamahalaang Britaniko na bakantehin ang Chagos ng lokal na nanirahan, sa Île Boddam lamang ang nagkaroon ng mga residente.
Sa pagitan ng 1967 at 1973, ilegal na pinaalis ang 500 naninirahan sa Kapuluang Salomon ng mga Britaniko at sinunog ang kanilang mga alagang hayop sa silid ng gas ni Sir Bruce Greatbatch upang bigyan daan ang isang base militar ng mga Amerikano. Nanirahan ang mga napalayas sa Mauritius at Seychelles.[3][4] Mayroon ang Île Boddam ng isang daungan, mga tindahan, mga opisina, isang simbahan at tirahang bakasyunan kung saan nakatira ang tagapamahala ng taniman. Nakatago na ang lahat ng mga gusali na ito sa makapal na gubat
Mga munting pulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga indibiduwal na mga munting pulo ng atol ay, simula sa Hilaga, pakanan:
- Île de la Passe
- Île Mapou
- Île Takamaka
- Île Fouquet
- Île Sepulture
- Île Jacobin
- Île du Sel
- Île Poule
- Île Boddam
- Île Diable
- Île Anglaise
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Cruising Chagos (sa Ingles)
- ↑ Ile Boddam, Saloman Island, Chagos, BIOT, 2009 Naka-arkibo 2012-04-02 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ Lablache, John; Amla, Hajira. "Re-opening old wounds: Chagossians in Seychelles tell of trip to visit home islands". Seychelles News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Oktubre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Sandra Evers; Marry Kooy (23 Mayo 2011). Eviction from the Chagos Islands: Displacement and Struggle for Identity Against Two World Powers (sa wikang Ingles). BRILL. pp. 201–. ISBN 978-90-04-20260-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mapa ng Kapuluang Salomon Naka-arkibo 2012-02-04 sa Wayback Machine.
- Arkipelago ng Chagos