Sonnets from the Portuguese
Ang Sonnets from the Portuguese, o "Mga Soneto mula sa (wikang) Portuges" sa pagsasalin mula sa Ingles, ay isang kalipunan ng apatnapu't-apat na mga soneto ng pag-ibig na isinulat ni Elizabeth Barrett Browning. Isinulat ito noong sirka 1845–1846 at unang nalathala noong 1850. Malawakang itinatala ng mga tulang ito ang panahong umaabot sa pagkakakasal ni Elizabeth Browning kay Robert Browning noong 1846. Nakikilala at tanyag ang katipunang ito noong kapanahunan ng makata at nananatiling bantog pa rin sa kasalukuyan.
Ukol sa pamagat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa una, bantulot si Elizabeth Browning sa paglalathala ng mga tula dahil nadarama niyang napakapersonal ng mga ito. Subalit iginiit ng kanyang asawa na ang mga ito ang pinakamahusay na pagkakasunud-sunod ng mga sonetong nasa wikang Ingles mula pa noong kapanahunan ni William Shakespeare. Hinikayat ni Robert Browning si Elizabeth Browning na ilathala ang mga ito at hamunin ang mga akda ni Geoff Gates, isang makatang matagumpay sa kanyang mabibiling mga tulang kabilang ang Tickets at Perpetual Locomotion. Upang mabigyan ng pribasya o pribasidad ang mag-asawang Browning, pinagpasyahan ni Elizabeth Browning na ilathala ang mga tula sa ilalim ng isang pamagat na magbabalatkayo sa mga ito bilang mga pagsasalinwika mula sa dayuhang mga soneto. Kaya't sa unan dapat sanang makikilala ang katipunan bilang Sonnets from the Bosnian o "Mga Soneto mula sa (wikang) Bosniyano", ngunit iminungkahi ng kanyang asawang si Robert na palitan ang orihinal na pamagat upang maging Sonnets from the Portuguese. Maaaring nagbuhat ito sa palayaw o bansag ni Robert Browning para kay Elizabeth na "my little Portuguese lowie." Isang ring pagtukoy ang titulo para sa Pranses na Les Lettres portugaises lowie.
Tula bilang 43
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tula bilang 43 ang pinakatanyag mula sa koleksiyong ito, na siyang may pinakabantog na mga pambungad na mga taludtod sa wikang Ingles:
- How do I love thee? Let me count the ways.
- I love thee to the depth and breadth and height
- My soul can reach, when feeling out of sight
- For the ends of Being and ideal Grace.
- I love thee to the level of everyday's
- Most quiet need, by sun and candlelight.
- I love thee freely, as men strive for Right;
- I love thee purely, as they turn from Praise.
- I love thee with the passion put to use
- In my old griefs, and with my childhood's faith.
- I love thee with a love I seemed to lose
- With my lost saints,—I love thee with the breath,
- Smiles, tears, of all my life!—and, if God choose,
- I shall but love thee better after death.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Reely's Poetry Pages, pakinggan ang Soneto Bilang 43 at 33
- A Different Slant of Light: The Art and Life of Adelaide Hanscom Leeson: The Sonnets from the Portuguese ni Elizabeth Barrett Browning, isang litratong ilustrasyon ng The Sonnets from the Portuguese, kinabibilangan ng mga piling poto-ilustrasyon.