Pumunta sa nilalaman

T'boli

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga Tboli)
Para sa pook sa Pilipinas, tingnan ang T'boli, Timog Cotabato.
Isang matandang babaeng T'boli sa katutubong kasuotan.

Ang Tboli, na binabaybay din bilang T'boli,[1] Tböli, Tiboli, Tibole, Tagabili, Tagabeli, at Tagabulu, ay isang pangkat-etniko sa Timog Cotabato na nasa Katimugang Mindanao. Mayroong mga taong T'boli na naninirahan sa paligid ng Lawa ng Buluan sa Lunas ng Cotabato o sa Agusan del Norte. Mayroon ding naninirahan sa mga libis ng kabundukan na nasa dalawang gilid ng Lambak ng Alah at sa pook na pandalampasigan ng Maitum, Maasim at Kiamba. Noong unang kapanahunan, namamalagi ang mga T'boli sa pang-itaas na bahagi ng Lambak ng Alah. Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dahil sa pagkakaroon ng mga maliliit na mga pamayanan ng ibang mga tao roon, naitulak na lumipat ang mga T'boli papunta sa mga libis ng kabundukan.

Ang mga damit nila'y yari sa mga hibla ng abaka. Ang mga kababaihan nama'y nakasanayan nang suotin ang kanilang tradisyunal na damit na K'tagal taha soung at ang kanilang palda na luwek.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Peplow, Evelyn. "T'boli," THE PHILIPPINES Tropical Paradise, Passport Books, 1991, pp. 46 at 70.

TaoPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.