Pumunta sa nilalaman

Mga debito at kredito

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga debito at kredito ay ginagamit sa ilalim ng double-entry bookkeeping para malaman ng isang negosyante o isang tagapagtuos ang mga perang lumalabas at pumapasok sa isang negosyo.[1] Ang debito ay tumutukoy sa mga pumapasok na pera sa isang account, habang ang kredito naman ay tumutukoy sa mga perang lumalabas sa isang account.[2]

Karaniwan magkahiwalay ang dalawa sa pagsulat ng kolumn pagdating sa mga iba't-ibang librong pangtuos. Ito ay marahil madali itong kalkulahin kung sakaling itotal ang dalawang entry at para mapasimple pa ang proseso ng pagkakalkuka ng mga debito at kredito. Ang pinaikling pangalan ng debito ay "Dr." habang ang kredito naman ay "Cr.".

Karaniwan ang mga pagdagdag ng mga asset at gastusin ay itinatala bilang mga debito habang ang kapital, mga utang, at kita ay karaniwang itinatala bilang mga kredito.[3] Ang isang normal na balanse ng isang account ay palaging positibo, kapag negatibo ito, ito ay nagpapakita ng abnormalidad. Isang halimbawa ng abnormalidad na ito ay ang pagsobrang pagkuha ng pera mula sa isang bank account kung saan lagpas na ito sa normal na balanse ng account o tinatawag nating "overdrawn".[4]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. NetSuite.com. "Accounting 101: Debits and Credits". Oracle NetSuite (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Debits VS Credits: A Simple, Visual Guide | Bench Accounting". Bench (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ballada, Winifred Lu (1996), Accounting Made Easy, GIC Enterprises Co., Inc., Manila, Philippines
  4. Flannery, David A. (2005). Bookkeeping Made Simple. pp. 18–19.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)