Pumunta sa nilalaman

Mga digmaang Ridda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga digmaang Ridda (Arabiko: حروب الردة) o mga digmaang apostasiya ang sunod sunod na kampanyang militar na inilunsad ni kalipa Abu Bakr laban sa mga naghimagsik na tribong Muslim sa Arabia noong 632 CE hanggang 633 pagkatapos ng kamatayan ni Muhammad. Inangkin ng mga rebelde na kay Muhammad lang sila magpapasakop at dahil namatay na si Muhammad ay hindi sila dapat magpasakop sa pamumuno ni Abu Bakr. Ang ilang mga rebelde ay sumunod kina Tulayha o Musaylimah o Sajjah na lahat nag-angking mga propeta. Ang karamihan ng mga naghimagsik na tribo ay natalo kay Abu Bakr at muling isinama sa Kalipata. Ang mga tao sa palibot ng Mecca ay hindi nag-alsa.