Pumunta sa nilalaman

Pagpapahayag ng kalayaan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga pagpapahayag ng kalayaan)

Ang pagpapahayag ng kalayaan, na katumbas ng pagpapahayag ng independensiya, pagpapahayag ng kasarinlan, at pagpapahayag ng pagsasarili, ay isang pagpapahayag, proklamasyon, pagbabadya at pagsasaysay ng kalayaan at kasarinlan ng isang estado o mga estadong may mithiin at may hangaring pansarili. Ang ganiyang mga pook ay karaniwang ipinapahayag mula sa bahagi o lahat ng teritoryo ng ibang bansa o nabigong nasyon, o isang tumiwalag o humiwalay na mga teritoryo mula sa loob ng isang mas malaking estado. Hindi lahat ng pagpapahayag ng kalayaan ay matagumpay at nagreresulta sa kalayaan mula sa mga rehiyong ito. Ang ganiyang mga pagpapahayag ay karaniwang ginagawa na walang pahintulot ng kaugnay na estado o unyon (kaisahan), kung kaya't paminsan-minsang tinatawag na "sarilinang mga pagpapahayag ng kalayaan", na nakikilala sa Ingles bilang unilateral declarations of independence (dinadaglat bilang "UDI"), partikular na ng mga nag-uusisa at nag-aalinlangan sa pagiging katanggap-tanggap ng mga pagpapahayag.

Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.