Mia Farrow
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Mia Farrow | |
---|---|
Partido | Independent |
Si Maria de Lourdes Villiers " Mia " Farrow /məˈriːə di ˈlʊərdz ˈvɪljərz ˈfæroʊ/ mə-REE-ə-_-dee ; ay pinanganak noong Pebrero 9, 1945. Sya ay isang Amerikanong artista. Una siyang nakilala para sa kanyang papel bilang Allison MacKenzie sa teleseryeng na Peyton Place at nakakuha ng karagdagang pagkilala para sa kanyang panandaliang kasal kay Frank Sinatra. Gumanap sya sa pelikula, bilang Rosemary sa Rosemary's Baby ni Roman Polanski noong 1968, ang pagaganp nya dito ay nagbigay pagkakataon sa kanya upang maging nominado sa BAFTA Award at sa Golden Globe Award para bilang Best Actress. Patuloy syang gumanap sa ilang mga pelikula noong 1970s, tulad ng Follow Me! noong 1972, The Great Gatsby noong 1974, at Death on the Nile noong 1978. Ang kanyang nakababatang kapatid na babae ay si Prudence Farrow.
Si Farrow ay naging karelasyon ang aktor-direktor na si Woody Allen mula 1980 hanggang 1992 at lumabas sa labintatlo sa kanyang labing-apat na pelikula sa panahong iyon, simula sa A Midsummer Night's Sex Comedy noong 1982. Nakatanggap siya ng maraming kritikal na pagkilala para sa kanyang mga pagtatanghal sa ilang mga pelikula ni Allen, kabilang ang mga nominasyon sa Golden Globe Award para sa Broadway Danny Rose noong 1984, The Purple Rose of Cairo noong 1985, at Alice noong 1990. Gumanap din siya sa Hannah and Her Sisters noong 1986, Crimes and Misdemeanors noong 1989, at Husbands and Wives noong 1992. Noong 1992, inakusahan ni Farrow sa pampubliko si Allen ng sekswal na pang-aabuso sa kanilang ampon na anak na babae na si Dylan Farrow. Si Allen ay hindi kailanman nasampahan ng kaso sa krimen na ito at mariing itinanggi ang paratang. Ang mga kaganapang na ito ay nakatanggap ng makabuluhang atensyon mula sa publiko noong 2013 pagkatapos ikwento ni Dylan ang di-umano'y pag-atake sa isang panayam sa taon ding iyon.
Mula noong 2000s, si Farrow ay gumawa ng paminsan-minsang pagganap sa telebisyon, kabilang ang isang naulit nyang papel sa Third Watch noong 2001 hanggang 2003. Mayroon din siyang mga pansuportang bahagi sa mga pelikulang gaya ng The Omen noong 2006, Be Kind Rewind noong 2008, at Dark Horse noong 2011 pati na rin ang serye sa Netflix na The Watcher noong 2022. Si Farrow ay kilala rin sa kanyang malawak na trabaho bilang UNICEF Goodwill Ambassador . Siya ay kasali din sa mga makataong aktibidad sa Darfur, Chad, at Central African Republic . Noong 2008, pinangalanan siya ng Time magazine na isa sa mga pinaka-maimpluwensyang tao sa mundo. [1]
- ↑ Time.
{{cite magazine}}
: Missing or empty|title=
(tulong)