Michael Tan
Michael L. Tan | |
---|---|
Nasyonalidad | Filipino |
Trabaho | Medikal na Antropologo, Kolumnista, Manunulat |
Si Michael L. Tan, PhD ay isang medikal na antropologo at manunulat na kilang-kilala sa kanyang pagsasapalaran sa mga Non-governmental organization (NGO’s) sa Pilipinas, at sa kanyang regular na kulumna sa Philippine Daily Inquirer, Pinoy Kasi, na lumalabas nang dalawang beses bawat linggo.
Si Tan ay ang kasalukuyang dekano ng Kolehiyo ng Sientiang Lipunan at Pilosopiya ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman, sa Lungsod Quezon. Marami na siyang naisulat na libro at artikulo na nagpopokus sa mga sumusunod na paksa: paniniwalang medikal ng mga katutubo, pagtatalik at sexualidad, kalusugang reproductive at sexual (lalo na sa HIV/AIDS), mga gamot, at isyu tungkol patakarang kalusugan.[1][2][3]
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang karera ni Michael Tan sa pagiging manggagamot ng hayop. Nakakuha siya ng titulo ng doctor sa panggagamot na beterinaryo sa Unibersidad ng Pilipinas. Tuloy-tuloy siyang nakikipagsapalaran sa mga manggagamot ng hayop, ngunit lumipat na siya sa pampublikong kalusugan at pag-aaral ng mga gamut, at itinuloy niya sa medikal na anthropolohiya.[4]
Nakaaral siya si Texas A&M University at nakatanggap ng kanyang Master of Arts sa antropolohiya. Pagkatapos, nakakuha siya ng kanyang PhD ng sientiang panlipunan at politiko galing sa Medical Anthropology Unit ng University of Amsterdam.
Kasalukayan niyang itinutuloy ang paggamit ng kanyang pinag-aralan bilang isang manggagamot ng hayop sa pagtulong sa Philippine Animal Welfare Society at ang Dog Scouts of the Philippines para isulong ang pag-alaga ng mga hayop, at ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga panayam sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Kasama rin siya sa mga nagtuturo sa Pamantasang Ateneo de Manila, para ipagtibay ang pagtuturo ng pagiging sensitibo sa mga aspetong pangkultura at panlipunan ng kalusugan.
Bilang Manunulat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasalukuyan, mas kilala siya bilang isang kolumnista sa Philippine Daily Inquire dahil sa kanyang Pinoy Kasi kolum na pinagsiumlan niya noong 1997. Ngunit noon pa man, kilala na siya ng mga bihasang akademiko at mga miyembro ng iba’t ibang NGO bilang isang mahusay na manunulat.
Ang pinakabagong libro niya ay "Revisiting Usog, Pasma, Kulam".[5]
Sa kanyang unang pagsulat sa Pinoy Kasi, inalok niya ang isang bagong paaran ng pag-iisip tungkol sa kulturang Pilipino na gumigitna sa dalawang sukdulang pag-iisip. Una ang walang makitang maganda tungkol sa kanyang bayan at pangalawa sa pagtanggi na may deperensya sa bayan niyang minamahal.[6]
Noong tinanong siya kung bakit “Pinoy Kasi” ang pamagat ng kanyang kolum, ipinaliwanag ni Tan na ang pariralang “pinoy kasi” ay pwedeng isiping ng nagbabasa ng isang talinghaga ng pagkayamot na madalas na ginagamit ng mga naiinis sa bayan, o pwede ring gamitin bilang isang pagpapahayag na pinagmamalaki ang Pinoy.
Noong 2005, natanggap niya ang Dr. Jose P. Rizal Award of Excellence galing sa Manila Times at ang Kaisa Para sa Kaunlaran Foundation. Ayon sa kanila, sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat, ineengganyo ni Tan ang nagbabasa na mag-isip, gamit ang kritikal na pamaraan, tungkol sa mga isyung panlipunan. Madalas, ang mga paksa tungkol sa mga relasyong pampamilya, kasarian at transgenerational na mga isyu, pag-aalaga para sa kalikasan, at kasama rin dito sa pag-aalaga sa mga hayop sa bahay, ay nagiging isyu na pinagtatalunan hapag-kainan ng mga bahay. Ang kanyang mga sinusulat ay nagpapahayag ng mga mahalagang impormasyon sa madla na may kahulugan sa kanilang mga buhay.
Sources
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Brummelhuis, Han ten; Herdt, Gilbert H. (1995), Culture and Sexual Risk: Anthropological Perspectives on AIDS, Routledge, ISBN 2884491317
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Background", Summer Institute on Sexuality, Society and Culture Website, Summer Institute on Sexuality, Society and Culture, nakuha noong Setyembre 30, 2008
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dr. Jose Rizal Awards for Excellence: Tsinoy writes, thinks 'outside the box'", The Manila Times, Hunyo 8, 2007, inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 3, 2008, nakuha noong Nobyembre 27, 2011
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tan, Michael (June 18, 2008), "Pinoy Kasi: Vet Med at 100", Philippine Daily Inquirer, inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 3, 2013, nakuha noong Nobiyembre 27, 2011
{{citation}}
: Check date values in:|access-date=
(tulong) - ↑ Tan, Michael (2008), Revisiting Usog, Pasma, Kulam, Quezon City: University of the Philippines Press, p. 178, ISBN 978-971-542-570-4
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tan, Michael, Pinoy Kasi: Columns published in the Philippine Daily Inquirer