Pumunta sa nilalaman

Mike Kekich

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mike Kekich
Kapanganakan2 Abril 1945[1]
  • (Pacific States Region)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahomanlalaro ng baseball

Si Michael Dennis Kekich (ipinanganak noong Abril 2, 1945 sa San Diego, California) ay isang manlalaro sa Pangunahing Liga ng Beysbol para sa Los Angeles Dodgers, New York Yankees, Cleveland Indians, Texas Rangers, at Seattle Mariners sa pagitan ng 1965 at 1977. Noong 1974, naglaro siya sa Hapon para sa Hokkaido Nippon Ham Fighters.

Si Kekich ay isang kaliweteng pitser (tagapaghagis ng bola) na sinimulan ang kanyang karera bilang isang starter o "tagapagsimula" subalit lumipat paglaon sa bullpen bilang panghalili. Nagkaroon siya ng katamtamang matagumpay na karera sa mga Ligang Pangunahin, subalit higit na naaalala siya para sa pagkakasundo ng mga "pamilya ng manlalaro" kay Fritz Peterson, ang kasama niyang pitser sa Yankees bago ang panahon ng laro noong 1973. Ang pagkakasundo o trade ay may naging kapakipakinabang para kay Peterson, na sa lumaon ay ikinasal sa asawa ni Kekich, kaysa kay Kekich, na sa pagdaka ay nakipaghiwalay sa esposa ni Peterson na si Marilyn.

Pagkaraang magwakas ang kanyang karera sa mga Pangunahing Liga, nagtangka si Kekich ng pagbabalik sa larangan ng beysbol sa Ligang Mehikano, subalit hindi ito naging matagumpay. Muling siyang nag-asawa at kasalukuyang naninirahan sa Albuquerque, New Mexico.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://npb.jp/bis/players/61563849.html; hinango: 25 Nobyembre 2018; wika ng trabaho o pangalan: Hapones.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]