Mikropono
Ang mikropono o microphone[1] [bigkas: maykrofown], na tinatawag ding mike [bigkas: mayk], maik (mga pinaikling bersyon ng microphone) ay isang akostiko-hanggang-elektrikong transduktor o sensor na may kakayahing palitan o baguhin ang tunog para maging hudyat na elektriko. Ginagamit ang mga ito sa maraming mga bagay katulad ng telepono, grabador o rekorder (tape recorder), aparatong pantulong-sa-pandinig, produksiyon ng pelikula, buhay at nakarekord na inheriyang awdyo, sa pagbobrodkast sa radyo at telebisyon, at mga kompyuter para masagap ang tinig, VoIP, at maging sa mga di-akostikong paggamit tulad ng pagsusuring ultrasoniko.
Mga bahagi ng mikropono
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga payak na bahagi ng mikropono ang dayapram (diaphragm) at ang kapsula. Isang manipis at matalon na piraso ng metal, papel, o plastik ang nagsisilbing dayapram. Samantalang naglalaman naman ang kapsula o kapsul ng mga maliliit na butil ng karbon.[2]
Paggana ng mikropono
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagiging enerhiyang kuryente ang tunog sa pamamagitan ng mikropono sapagkat mayroon itong mga materyales, katulad ng mga butil ng karbon, na nagpapadaloy (nagsisilbing konduktor) sa kuryente kapag ipinasailalim ng presyon o lakas. Mas maraming kapangyarihan o presyon, mas maraming elektrisidad ang dadaloy.[2]
Kapag tumama sa dayapram ang mga alon ng tunog, itinutulak at pinipiga nito ang mga butil ng karbon para magkadikit-dikit. Kapag malakas ang presyon o lakas ng pagtulak o pagpiga, malakas din ang daloy ng kuryente; kapag mahina ang presyon, mahina rin ang daloy ng kuryente. Laging nakaayon o depende ang daloy ng kuryente sa natatanggap na bilang o kantidad ng lakas o presyon. Nakaayon naman o depende ang bilang o timbang ng presyon mula sa dami ng tunog na natatanggap nito. Kapag tumigil ang tunog o pagpapatugtog, sa kaso ng musika, magbabalik ang dayapram sa orihinal nitong posisyon, at titigil din ang daloy ng kuryente.[2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Mikropono, microphone, tanggap na ang baybay na Ingles para sa Tagalog sa sangguniang ito, maging ang maik o mike". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 ""How does a microphone work?"". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)