Pumunta sa nilalaman

Mirto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mirto ng Sahara)

Mirto
Myrtus communis
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Mga Rosid
Orden:
Pamilya:
Sari:
Myrtus

Mga uri

Myrtus communis L.
Myrtus nivellei Batt. & Trab.

Myrtus communis

Ang mirto[1], arayan, o murta (Ingles: myrtle; Kastila: mirto, arrayán, o murta), kilala sa agham bilang Myrtus, ay isang sari ng isa o dalawang mga uri ng mga halamang namumulaklak sa loob ng pamilyang Myrtaceae, na katutubo sa katimugang Europa at Hilagang Aprika. Palaging lunti ang mga palumpong o maliliit na mga punong ito na tumataas hangang 5 mga metro. Buo ang mga dahon nito na 3-5 mga sentimetro ang haba, na may mabangong mahalagang langis. May limang karaniwang puti o kaya rosas na mga talulot[2] at mga sepal ang bulaklak na parang bituin, at maraming mga istamen. Maaaring isahan o nagkukumpulan ang mga bulaklak na ito.[2] Bilugang bughaw-itim ang mga bungang ratiles nito na naglalaman ng ilang mga buto. Pinipertilisahan (polinasyon) ng mga kulisap ang mga bulaklak ng mirto, at ikinakalat ng mga ibong kumakain ng mga ratiles ang mga buto nito.

Laganap ang karaniwang mirto, Myrtus communis, na kilala rin bilang totoong mirto o mirtong tunay, sa rehiyong Mediteraneo at isang halamang pangkaraniwang inaalagaan at pinararami. Pangunahing binubuo ang pamilya ng mirtong totoo o tunay na mirto ng mga punong tropikal o subtropikal at mga palumpong, na kinabibilangan ng puno ng eyukalipto (eukaliptus) at ng pimento (pimento ng Hamayka).

Nakahangga lamang sa bulubundukin ng Tassili n'Ajjer sa katimugang Alherya at sa Bulubundukin ng Tibesti sa Tsad ang isa pang uri, ang mirto ng Sahara o Myrtus nivellei, kung saan lumilitaw ito sa maliliit na mga lugar ng kakaunting kakahuyang dating nasalanta, malapit sa gitna ng Ilang ng Sahara; nakatala ito bilang isang nanganganib na mga uri. Subalit, may ilang mga botanistang hindi kumbinsidong ganap ang kaibahan ng M. nivellei upang maituring na isang kahiwalay na uri.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Myrtle, mirto - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 "Myrtle". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa M, pahina 618.

HalamanBotanika Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.