Pumunta sa nilalaman

Mitsubishi Lancer Evolution

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mitsubishi Lancer Evolution
Mitsubishi Lancer Evolution IX
TagagawaMitsubishi Motors
Tinatawag ding"Evo" (pinaigsi)
Paggawa1992–kasalukuyan
PagbubuoPlantang Mizushima, Kurashiki, Okayama
KlaseKompak na isports
World Rally Car
Kotseng Isports
BalangkasMakina sa harap, 4WD
KaugnayMitsubishi Lancer

Ang Mitsubishi Lancer Evolution, na mas kilala sa katawagang Lancer Evo o Evo, ay isang kotseng ginagawa ng Mitsubishi Motors. Mayroon nang sampung opisyal na bersyon sa ngayon, at bawat isa sa mga modelo ay gumagamit ng Romanong bilang. Gumagamit ang lahat ng dalawang litrong makinang may kargang-turbo (turbo-charged) at sistemang apatang-gulong.

Ang Evolution ay dapat na ginawa lamang para sa pamilihang Hapones, subalit sa pangangailangan ng "pamilihang abo", nadala ang serye ng Evolution na mabentang gamit ang mga network ng mga tagapamagitan, lalo na ng RalliArt sa Nagkakaisang Kaharian at sa iba't ibang pamilihang Europeo na nagsimula sa loob ng 1998. Pinagpasiyahan ng Mitsubishi na i-eksport ang pang-walong henerasyon ng Evolution (Evolution VIII) sa Estados Unidos noong 2003 nang mapansin ang pagtatagumpay ng Subaru sa kanilang Impreza WRX STi, na isang direktang karibal ng Evolution.

Ang Evolution I ay nasimula noong 1992 para lumaban sa Kampeonatong World Rally. Ginamit nito ang dalawang litrong makinang de-turbo na DOHC at 4WD na drivetrain mula sa orihinal na Galant VR-4 sa chassis ng Lancer, at nabenta sa mga modelong GSR at RS. Ang nahuli ay hindi tulad ng GSR, at ang RS ay may bintana at upuan pinagagalaw ng mga kamay, at mga rim na gawa sa bakal (steel). Sinadya ito upang makatipid ng 155 lbs (70 kg) na mas magaan kung ikukumpara sa GSR 2,730 lb (1,238 kg). May mga tipikal na kagamitan ang nahuli, tulad ng sa isang kumbensiyonal na kotse. Mayroon Itong 4G63 de-turbong makina ng Mitsubishi na naglalabas at umaabot sa 250 PS (244 hp/182 kW) sa 6000 rpm at 228 lb·ft (309 N·m) sa 3000 rpm, kasama ng isang pagkakaayos na may panlahatang-gulong sa pagmamaneho (all-wheel drive), na magiging tanda ng mga kasunod pang salinlahi ng Evolution.

Unang salinlahi
Mitsubishi Lancer Evolution I
PaggawaOktubre 1992–Enero 1994
(Mga) estilo ng katawan4 na pintuang sedan
PlatapormaCD9A
(Mga) transmisyon)5-bilis kambyong manwal
Wheelbase2500 mm (98.4 in)
Haba4310 mm (169.7 in)
Lapad1695 mm (66.7 in)
Taas1395 mm (54.9 in)
Curb Timbang1170 kg (2579 lb)–1240 kg (2734 lb)
Ikalawang salinlahi
(Paki-lagyan ng larawan)
PaggawaEnero 1994- Agosto 1995
(Mga) estilo ng katawan4 na pintuang sedan
PlatapormaCE9A
(Mga) transmisyon)5-bilis kambyong manwal
Wheelbase2510 mm (98.8 in)
Haba4310 mm (169.7 in)
Lapad1695 mm (66.7 in)
Taas1395 mm (54.9 in)
Curb Timbang1180 kg (2601 lb)–1250 kg (2756 lb)

Ang tagumpay na Evolution I ay pinalitan nung Disyembre 1993, at ginawa hanggang 1995. Kabilang dito ang pagbabago sa handling, na kasama ang mga minor na pagbago sa lapad ng gulong, mas malalaking swaybar, pagbabago sa anyong kasama ang mas malaking ispoyler at mas matatabang gulong na mas malalapad ng 10 mm. Ang kapangyarihan ay iniangat sa 256 PS (252 hp/188 kW) mula sa parehong makina at ang torque ay hindi nagbago sa mga modelong RS at GSR.

Evolution III

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ikatlong salinlahi
(Paki-lagyan ng larawan)
PaggawaAgosto 1995- Agosto 1996
(Mga) estilo ng katawan4 na pintuang sedan
PlatapormaCE9A
(Mga) transmisyon)5-bilis kambyong manwal
Wheelbase2510 mm (98.8 in)
Haba4310 mm (169.7 in)
Lapad1695 mm (66.7 in)
Taas1420 mm (55.9 in)
Curb Timbang1190 kg (2624 lb)–1260 kg (2778 lb)

Enero 1995 nang inilabas ang Evolution III na may maraming pagbabago. Bago, mas agresibong estilo at isang bagong hitsura ng harap nito at isang malaking ispoyler sa likuran ang idinagdag para mabawasan ang pag-angat. Sa ilalim ng aluminum na hood ay isang bagong TD05-16G7-7 sistemang de-turbo, sistemang pang-tambutso at iniangat na pag-kompres ang nagbigay ng pag-angat ng kapangyarihan na 10 PS (10 hp/7 kW). Ang torque ay hindi binago, maliban sa mas mataas na rasyo ng final drive. Ang kambyong Quaife ay pareho pa ring ginagamit ng mga modelong RS at GSR. Ang pagbabago sa loob nito ay limitado sa bagong manubelang MOMO (GSR lamang) at upuang Recaro mula sa Evolution 2 na tinahian ng bagong tela. Ang Evolution 3 GSR ay may bigat na 1260 kg habang ang RS ay nasa 1190 kg. Ang makina ng kotse na 4G63t ay may displacement na 1997 cc at naglalabas ng 270 bhp (201 kW) sa 6250 rpm at torque sa 228 lb-ft (309 Nm) sa 3000 rpm.

Ikaapat na salinlahi
(Paki-lagyan ng larawan)
PaggawaAgosto 1996- Enero 1998
(Mga) estilo ng katawan4 na pintuang sedan
PlatapormaCN9A
(Mga) transmisyon)5-bilis kambyong manwal
Wheelbase2510 mm (98.8 in)
Haba4330 mm (170.5 in)
Lapad1690 mm (66.5 in)
Taas1415 mm (55.7 in)
Curb Timbang1260 kg (2778 lb)–1350 kg (2976 lb)

Ang platapormang Lancer ay binago nung 1996, at kasabay nito ng Evolution, na naging napakasikat sa buong mundo. Ang makina at transaxle ay pinaikot nang 180º para mas mabalanse ang bigat at mabawasan ang tinatawag na "torque steer". May dalawang bersyon na pwede, ang RS at GSR. Ang RS ay ginawa bilang isang kotseng pang-kompetisyon na may kasamang limitadong-dulas na diperensiyal sa harap at isang uring priskyong LSD sa likod. Ito rin ay may upuang GLX at 16" na gulong na bakal dahil ito ang mga kagamitang papalitan ng sinumang ipapasok ang kotse sa mga kompetisyon. Ang RS mayron ding manwal na bintana, walang erkon, at ekstrang brace bars para patibayin ang chassis, isa sa likod ng grille sa harap at isa ang nasa boot floor. Ito rin ay may opsiyon ng mas maninipis na salamin at parte ng katawan. Ang RS at GSR ay may parehong twin-scroll na turbo na nakatulong sa pag-angat ng kapangyarihan sa 280 PS (276 hp/206 kW) sa 6,500 rpm at 260 ft·lbf (352 N·m) sa 3,000 rpm ng hatak. Ang bagong Active Yaw Control ng Mitsubishi ay pabrikang opsiyon para lamang sa modelong GSR, na gumagamit ng mga pasok ng kabig, sensor sa silinyador, at sensor sa G para makontrol nang makontrol ng hydraulik ang torque-split nang paisa-isa sa mga likurang gulong at dahil dun ang 10,000 Evolution ay naubos agad.

Ikalimang salinlahi
PaggawaEnero 1998- Enero 1999- enero 9999
(Mga) estilo ng katawan4 na pintuang sedan
PlatapormaCP9A
(Mga) transmisyon)5-bilis kambyong manwal
Wheelbase2510 mm (98.8 in)
Haba4350 mm (171.3 in)
Lapad1770 mm (69.7 in)
Taas1415 mm (55.7 in)
Curb Timbang1260 kg (2778 lb)–1360 kg (2998 lb)

Nung 1997, ang Mitsubishi ay gumawa ng klaseng "World Rally Car" at habang ang mga kotseng ito ay kailangang sumunod sa Group A standard, hinid na nila kailangan pang masabak sa mga batas ng homologation. Muling dinisenyo ng Mitsubishi ang Evolution V na nasa isip ang paggawa ng bagong klase, at nilabas ang Evolution V nuong Enero 1998. Marami sa mga aspeto ng kotse ang napalitan, tulad ng:

  • Ang loob ng modelong GSR ay pinalitan ng mas magagandang klase ng upuang Recaro.
  • Ang body kit ay may mga pinalaking arko sa likuran at harapan, at ang bagong aluminium na spoiler sa likurang bahagi ng kotse ay pinalitan ang FRP na spoiler ng Evolution IV at nababago yung angulo ng spoiler para ayusin ang pwersang-hangin sa kotse.
  • Ang track ay pinalapad ng 10mm (0.4 in), at ang wheel offset ay nagbago mula sa ET45 papunta sa ET38 kasama ang lapad ng gulong na lumaki mula 16" sa 17" para magkasya ang prenong Brembo na siyang isinama para gumanda ang pagpreno.
  • At isa pa, ang silindrong brake master ay pinalaki ng 0.3 mm (0.01 in).
  • Ang makina ay pinaigting sa ilang mga lugar ng makina at ang tagal ng cam ay pinahaba. Ang mga piston ay mas magagaan at may mas maliliit na skirt area. Ang mga 510 cc injector ay pinalitan ng 560 cc injector para sa mas mainam na tagal ng makina dahil sa mas maraming "electrical headroom" at ang ECU ay pinalitan para may kasamang flash ROM.