Morioka
Morioka 盛岡市 | |||
---|---|---|---|
lungsod ng Hapon, chūkakushi, prefectural capital of Japan, big city, inland city, city for international conferences and tourism, city with public health center | |||
Transkripsyong Hapones | |||
• Kana | もりおかし (Morioka shi) | ||
| |||
Mga koordinado: 39°42′07″N 141°09′16″E / 39.70208°N 141.1545°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Lokasyon | Prepektura ng Iwate, Hapon | ||
Itinatag | 1 Abril 1889 | ||
Ipinangalan kay (sa) | burol | ||
Pamahalaan | |||
• mayor of Morioka | Hiroaki Tanifuji | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 886.47 km2 (342.27 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Marso 2021)[1] | |||
• Kabuuan | 290,553 | ||
• Kapal | 330/km2 (850/milya kuwadrado) | ||
Websayt | https://www.city.morioka.iwate.jp/ |
Ang Morioka (盛岡市 Morioka-shi) ay ang kabiserang lungsod ng Prepektura ng Iwate na matatagpuan sa rehiyong Tōhoku ng hilagang Hapon. Noong Marso 1, 2020, may tinatayang populasyon ma 291,560 katao ang lungsod sa 132,719 mga kabahayan[2], at may kapal ng populasyon na 330 bawat square kilometre ([convert: unit mismatch]). Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 886.47 square kilometre (342.27 mi kuw).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Patuloy na tinitirhan ang lugar ng kasalukuyang Morioka mula noong panahon ng Hapones na Paleolitiko. Natuklasan ang maraming mga puntod at labing buhat sa mga panahong Jōmon, Yayoi at Kofun. Tinirhan ng mga Emishi ang lugar hanggang sa panahong Heian. Noong panahong Enryaku ng panahong Heian, iniutos si Sakanoue no Tamuramaro na tumungo sa Kastilyo ng Shiwa sa hilaga noong 803 P.K., bilang isang sentrong militar upang palawigin ang kapangyarihan ng dinastiyang Yamato sa Lalawigan ng Mutsu. Paglaon ay namuno ang angkang Abe sa lugar hanggang sa kanilang pagbuwag sa kamay ng mga angkang Minamoto at Kiyohara noong Digmaang Zenkunen. Natalo naman ang Kiyohara sa Digmaang Gosannen at napasailalim ang lugar sa kapangyarihan ng angkang Ōshū Fujiwara na nakabase sa Hiraizumi, sa timog ng Morioka. Kasunod ng pagbuwag ng Ōshū Fujiwara sa kamay ni Minamoto no Yoritomo sa pasimula ng panahong Kamakura, ang lugar ay pinagtatalunan ng ilang mga angkang samurai hanggang sa pinalawak ng angkang Nanbu, na nakabase sa Sannohe sa hilaga, ang kanilang lupain noong panahong Sengoku at nagtayo ng Kastilyo ng Kozukata noong 1592.
Kasunod ng Labanan ng Sekigahara at ang pormal na pagkilala sa Dominyong Morioka sa ilalim ng kasugunang Tokugawa, binago ang pangalan ng Kastilyo ng Kozukata sa Kastilyo ng Morioka.[3] Binago ang pangalan sa 盛岡 mula sa dating 森岡 (pag-binasa kapuwa ay "Morioka").[4] Ang Dominyong Morioka ay isang mahalagang kasapi ng maka-Tokugawa na Ōuetsu Reppan Dōmei noong Digmaang Boshin ng pagpapanumbalik ng Meiji.
Pagkaraan ng pasimula ng panahong Meiji, ang dominyo ay naging Prepektura ng Morioka noong 1870, na naging bahagi ng Prepektura ng Iwate mula 1872. Kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad sa Hapon noong Abril 1, 1889, itinatag ang kasalukuyang lungsod ng Morioka bilang kabisera ng Prepektura ng Iwate. Naiugnay ang lungsod sa Tokyo sa pamamagitan ng tren noong 1890. Kaunti lamang ang naitamo nitong pinsala noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nakaranas lamang ang Morioka sa dalawang bahagyang mga pagsalakay mula sa himpapawid sa kasagsagan ng digmaan.[5]
Noong Enero 10, 2006, sinanib ang nayon ng Tamayama sa Morioka. Itinalagang core city ang Morioka noong 2008, kalakip ng pinalaking pampook na pagsasarili.
Nang tumama ang lindol sa Tōhoku noong 2011, tumama sa Morioka ang 6.1 na lindol at maraming mga aftershock, subalit kaunti lamang ang naitamo nitong pinsala maliban sa malawak na mga pagwala ng kuryente.[6]
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Morioka sa Limasang Kitakami sa gitnang Prepektura ng Iwate, sa salapong (kompluwensiya) ng tatlong mga ilog, ang Kitakami, ang Shizukuishi at ang Nakatsu. Ang Ilog Kitakami ay pangalawang pinakamalaking ilog sa dakong Pasipiko ng Hapon (kasunod ng Ilog Tone) at ang pinakamahaba sa rehiyong Tōhoku. Dumadaloy ito sa lungsod patimog mula sa hilaga at may ilang mga saplad sa loob ng mga hangganan ng lungsod, kabilang ang Saplad ng Shijūshida at Saplad ng Gandō. Nangingibabaw sa tanawin ng hilagang-kanluran ng lungsod ang Bundok Iwate, isang aktibong bulkan. Nasa hilaga ang Bundok Himekami, at minsang makikita naman sa timog-silangan ang Bundok Hayachine.
Kalapit na mga munisipalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Iwate Prefecture
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Datos ng klima para sa Morioka (1981–2010) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 1.8 (35.2) |
2.9 (37.2) |
7.0 (44.6) |
14.4 (57.9) |
19.7 (67.5) |
23.5 (74.3) |
26.4 (79.5) |
28.3 (82.9) |
23.6 (74.5) |
17.6 (63.7) |
10.6 (51.1) |
4.6 (40.3) |
15.0 (59) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −1.9 (28.6) |
−1.2 (29.8) |
2.2 (36) |
8.6 (47.5) |
14.0 (57.2) |
18.3 (64.9) |
21.8 (71.2) |
23.4 (74.1) |
18.7 (65.7) |
12.1 (53.8) |
5.9 (42.6) |
1.0 (33.8) |
10.2 (50.4) |
Katamtamang baba °S (°P) | −5.6 (21.9) |
−5.2 (22.6) |
−2.2 (28) |
3.0 (37.4) |
8.5 (47.3) |
13.8 (56.8) |
18.1 (64.6) |
19.6 (67.3) |
14.6 (58.3) |
7.3 (45.1) |
1.5 (34.7) |
−2.4 (27.7) |
5.9 (42.6) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 53.1 (2.091) |
48.7 (1.917) |
80.5 (3.169) |
87.5 (3.445) |
102.7 (4.043) |
110.1 (4.335) |
185.5 (7.303) |
183.8 (7.236) |
160.3 (6.311) |
93.0 (3.661) |
90.2 (3.551) |
70.8 (2.787) |
1,266.2 (49.849) |
Balasaking pag-niyebe cm (pulgada) | 85 (33.5) |
74 (29.1) |
46 (18.1) |
4 (1.6) |
0 (0) |
0 (0) |
0 (0) |
0 (0) |
0 (0) |
0 (0) |
10 (3.9) |
53 (20.9) |
272 (107.1) |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 73 | 70 | 67 | 65 | 69 | 75 | 80 | 79 | 80 | 77 | 75 | 74 | 69 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 116.9 | 127.5 | 160.4 | 173.7 | 185.4 | 154.7 | 128.5 | 149.1 | 123.7 | 145.8 | 116.9 | 101.6 | 1,684.2 |
Sanggunian: Japan Meteorological Agency |
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[7] umabot ang Morioka sa pinakamataas na populasyon nito noong 2000, ngunit bumaba na ito mula noon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1960 | 155,575 | — |
1970 | 226,868 | +45.8% |
1980 | 272,814 | +20.3% |
1990 | 292,632 | +7.3% |
2000 | 302,857 | +3.5% |
2010 | 298,572 | −1.4% |
Mga ugnayang pandaigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Victoria, British Columbia, Canada [8] (kapatid na lungsod mula noong 1985)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "いわての統計情報"; hinango: 26 Marso 2021; orihinal na wika ng pelikula o palabas sa TV: Hapones.
- ↑ Morioka City official statistics (sa Hapones)
- ↑ "Archived copy" 不来方 [Kozukata]. Dijitaru Daijisen (sa wikang Hapones). Tokyo: Shogakukan. 2013. OCLC 56431036. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-08-25. Nakuha noong 2013-02-01.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-03-16. Nakuha noong 2013-09-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ministry of Home Affairs of Japan (sa Hapones)
- ↑ http://www.marketwatch.com/story/new-61-magnitude-quake-hits-near-morioka-japan-2011-03-11 - retrieved March 14, 2011
- ↑ Morioka population statistics
- ↑ "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures (sa wikang Ingles). Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gabay panlakbay sa Morioka mula sa Wikivoyage
- Opisyal na websayt (sa Hapones)