Pumunta sa nilalaman

Ang Multo ng Opera

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Multo sa Opera)
The Phantom of the Opera
May-akdaGaston Leroux
Orihinal na pamagatLe Fantôme de l'Opéra
BansaPransiya
WikaPranses
DyanraNobelang Gotiko
TagapaglathalaPierre Lafitte & Cie.
Petsa ng paglathala
23 Setyembre 1909 hanggang 8 Enero 1910
Nilathala sa Ingles
1911
Uri ng midyaSeryeng nakalimbag
OCLC15698188

Ang The Phantom of the Opera (orihinal na pamagat sa Pranses: Le Fantôme de l'Opéra, na nangangahulugang "Ang Pantasma ng Opera") ay isang kathambuhay ng Pranses na manunulat na si Gaston Leroux. Una itong inilathala ng sunud-sunod o mga serye sa babasahing Le Gaulois mula 23 Setyembre 1909 hanggang 8 Enero 1910. Noong una, hindi naging napakamabili ang kuwento nang malimbag sa anyong aklat at nawala rin sa paglalathala ng ilang mga uli noong ika-20 daang taon, bagaman naging matagumpay ang sari-saring pagtatanghal nito bilang mga pelikula at sa mga tanghalan. Pinakanatatangi ng mga ito ang pelikula noong 1925 at ang musikal noong 1986 ni Andrew Lloyd Webber na kasalukuyang pinakamatagal na itinatanghal na palabas sa kasaysayan ng tanghalan ng Broadway, at isa sa pinakakumitang proyektong panglibangan sa lahat ng kapanahunan.


PanitikanPransiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.