Pumunta sa nilalaman

Muntadar al-Zaidi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Muntadhar al-Zaidi
Ipinanganak (1979-11-12) 12 Nobyembre 1979 (edad 44)
Iraq
Natamo sa pag-aaral Pamantasan ng Baghdad
Pakikipagtalastasan
Trabaho Mamamahayag sa telebisyon
Relihiyon Shi'a-Muslim
Mga nagawa Al-Baghdadia TV

Si Muntadhar al-Zaidi (Arabe: منتظر الزيدي‎) ay isang mamamahayag na Iraqi na nagsisilbing tagapagbalita sa kompanyang al-Baghdadia TV. Nakatutok ang kanyang mga ulat sa pagkamatay ng mga balo, ulila at bata sa Digmaan sa Iraq.[1][2]

Noong 16 Nobyembre 2007, binihag si al-Zaidi ng mga di-kilalang mga mandurukot sa Baghdad. Dalawang ulit na rin siyang hinuli ng mga miyembro ng Hukbong Sandatahan ng Amerika sa Iraq. Noong 14 Disyembre 2008, ibinato niya ang kanyang sapatos kay Presidente George W. Bush ng Estados Unidos sa isang pagpupulong. Nagtamo si al-Zaidi ng mga sugat habang inaaresto at pinaghihinalaang pinahirapan siya sa kanyang pagkakakulong. Dinirinig na ng Hukumang Pangkriminal ng Iraq ang kanyang kaso.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Brother: Reporter threw shoes to humiliate". UPI NewsTrack TopNews. United Press International. 2008-12-16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-18. Nakuha noong 2008-12-18. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)(sa Ingles)
  2. "Profile: Shoe-throwing journalist". Middle East. BBC News. 2008-12-17. Nakuha noong 2008-12-18. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)(sa Ingles)
  3. "'Walang patawad' mula sa Iraqing nambato ng sapatos". Middle East. Al Jazeera. 2008-12-22. Nakuha noong 2008-12-22. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)(sa Ingles)