Pumunta sa nilalaman

Pragmentong Muratorian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Muratorian fragment)
Huling pahina ng Kanon na Muratorian, Tregelles 1868

Ang Pragmentong Muratorian o Kanon na Muratorian ay isang kopya ng marahil ang pinakamatandang alam na talaan o listahan ng halos lahat ng mga aklat ng kasalukuyang kanon ng Bagong Tipan. Ang pragmentong ito na binubuo ng mga 85 linya ay isang ika-7 siglo CE manusckritong Latin na nakabigkis sa isang ika-8 o ika-7 siglo CE codex na nagmula sa aklatan ng monasteryong Columban sa Bobbio. Ito ay naglalaman ng mga panloob na pagpapahiwatig na ito ay isang salin mula sa orihinal na Griyego na isinulat noong mga 170 CE o sa huli ng ika-4 siglo CE. Ang parehong nasirang kondisyon at ang mababang uring Latin na ginamit dito ang gumawa ritong mahirap isalin. Ang simula ng pragmentong ito ay nawawala at mabilis na huminto. Ang pragmentong ito ay binubuo ng lahat ng mga natitira sa seksiyon ng listahan ng lahat ng kasulatan na tinanggap na kanon ng mga iglesia na alam ng hindi kilalang tagatipon nito. Ito ay natuklasan sa Milan ni Padre Ludovico Antonio Muratori (1672–1750) na isang pinaka kilalang historyan na Italyano ng kanyang henerasyon at ito ay inilimbag noong 1740.[1]

Mga katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang teksto ng listahang ito ay tradisyonal na pinetsahan na 170 CE dahil ang may akda nito ay tumutukoy kay Papa Pius I ng Roma (142—157) bilang kamakailan:

Ngunit isinulat ni Hermas ang Pastol ni Hermas napaka-kamakailan lamang, sa ating panahon sa siyudad ng Roma samantalang ang obispong si Pius, ang kanyang kapatid na lalake ay umookupa sa silya ng iglesia sa siyudad ng Roma. At kaya ay talagang dapat basahin, ngunit ito ay hindi maaarihang basahin ng publiko sa mga tao sa iglesia sa mga propeta na ang bilang ay kumpleto o sa mga apostol dahil ito ay pagkatapos ng kanilang panahon.

Ang pragmentong ito ay pinetsahan ng ilang mga skolar[2] na ika-4 na siglo CE ngunit ang kanilang mga argumento ay hindi nagkamit ng malawak na pagtanggap sa pamayanan ng mga skolar. [3]

Ang hindi kilalang may akda nito ay tumatanggap sa apat na ebanghelyo na ang dalawang huli ang Ebanghelyo ni Lucas at Ebanghelyo ni Juan ngunit ang pangalan ng unang dalawang ebanghelyo sa listahan ay nawawala. Tinatanggap rin ng may akda ang Mga Gawa ng mga Apostol at 13 sa mga Sulat ni Pablo. Ang Sulat sa mga Hebreo, Unang Sulat ni Pedro, Ikalawang Sulat ni Pedro, Sulat ni Santiago ay hindi binanggit sa listahang ito. Itinuturing ng may akda na peke ang mga sulat na nag-aangking isinulat ni Apostol Pablo na Sulat sa mga taga-Laodicea at Sulat sa mga taga-Alexandria. Ayon sa may akda, ang mga ito ay "pineke sa pangalan ni Pablo upang isulong ang heresiya ni Marcion." Sa mga pangkalahatang sulat, tinatanggap ng may akda ang Sulat ni Judas at nagsaad na ang dalawang mga sulat na "nagdadala ng pangalan ni Juan" ay binibilang sa simbahang katoliko at ang Aklat ng Karunungan na "isinulat ng mga kaibigan ni Solomon sa kanyang karangalan". Maliwanag na ipinagpalagay ng may akda na ang may akda ng Ebanghelyo ni Juan ay pareho sa may akda ng Unang Sulat ni Juan dahil sa gitna ng pagtalakay sa Ebanghelyo ni Juan, kanyang sinaad na "anong kahanga hanga na isinulong ni Juan ang ilang mga bagay na ito ng tuloy tuloy sa kanyang mga sulat rin na nagsasabi sa kanyang sarili "Ang aming nakita ng aming mga mata at narinig ng aming mga tenga at ang aming mga kamay ay humawak ang aming isinulat" na isang sipi mula sa Unang Sulat ni Juan. Hindi maliwanag kung itinuturing ng may akda ang ikalawang sulat ni Juan ang Ikalawang Sulat ni Juan ng Bagong Tipan o ang Ikatlong Sulat ni Juan. Isa pang indikasyon na tinukoy ng may akda ang may akda ng Ebanghelyo ni Juan sa dalawa pang mga sulat na nagdadala ng pangalan ni Juan ay nang spesipiko nitong pinag-ukulan ang mga sulat ni Juan, kanyang isinaad na "ang sulat ni Judas talaga at ang dalawa ay kabilang sa taas na binanggit na Juan". Sa ibang salita, kanyang inaakala na ang ang mga sulat na ito ay isinulat ni Juan na may akda ng ebanghelyo na kanya nang tinalakay . Ang may akda ay hindi nagbigay ng indikasyon na itinuturing niya ang Juan ng Aklat ng Pahayag na iba sa may akda ng Ebanghelyo ni Juan. Ang katunayan, sa pagtawag ng may akda ng Aklat ng Pahayag na "predecessor" ni pablo na kanyang ipinagpalagay na sumulat sa pitong mga iglesa(Pahayag 2-3) bago sumulat si Pablo sa pitong iglesia, mas malamang na nasa kanyang isip ang may akda ng ebanghelyo dahil kanyang ipinagpalagay na ang may akda ng ebanghelyo ay isang saksing alagad na kilala si Hesus at kaya ay nauna kay Pablo na umanib lamang sa iglesia pagkatapos ng kamatayan ni Hesus. [4] Sa karagdagan ng pagtanggap sa Aklat ng Pahayag, nagbigay komento rin ang may akda ng pragmentong ito na ang Apocalipsis ni Pedro" ay isang aklat na "ang ilan sa atin ay hindi papayag na basahin sa iglesia." Gayunpaman, hindi matiyak kung ito ay tumutukoy sa Apocalipsis ni Pedro o sa Gnostikong Apocalipsis ni Pedro.

Mga aklat sa Kanon na Muratorian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi kasama sa kanon na Muratorian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Muratori, Antiquitates Italicae Medii Aevii (Milan 1740), vol. III, pp 809-80. Located within Dissertatio XLIII (cols. 807-80), entitled 'De Literarum Statu., neglectu, & cultura in Italia post Barbaros in eam invectos usque ad Anum Christii Millesimum Centesimum', at cols. 851-56.
  2. Hahneman, Geoffrey Mark. The Muratorian Fragment and the Development of the Canon. (Oxford: Clarendon) 1992. Sundberg, Albert C., Jr. "Canon Muratori: A Fourth Century List" in Harvard Theological Review 66 (1973): 1-41.
  3. Metzger, The Canon Of The New Testament: Its Origin, Significance & Development (1997, Clarendon Press, Oxford).
  4. The identification of the author of John's Gospel with the John of the Apocalypse was common in the 2nd century: Irenaeus assumed they were the same authors. The 3rd century Dionysius of Alexandria was unusual in rejecting the identification of the two writers. Many modern critical scholars agree with Dionysius: the author of the Apocalypse, John of Patmos, is different from the author of the Gospel of John and Epistles of John.

Karagdagang babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Metzger, Bruce M., 1987. The Canon of the New Testament: Its Origin, Development, and Significance. (Clarendon Press. Oxford) ISBN 0-19-826954-4
  • Jonathan J. Armstrong, "Victorinus of Pettau as the Author of the Canon Muratori," Vigiliae Christianae, 62,1 (2008), pp 1–34.
  • Anchor Bible Dictionary
  • Verheyden, J., "The Canon Muratori: A Matter of dispute," Bibliotheca Ephemeridum Theologicarum Lovaniensium (2003), The Biblical Canons, ed. by J.-M. Auwers & H. J. De Jonge, p. 487-556.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]