Museong Britaniko
51°31′10″N 0°7′37″W / 51.51944°N 0.12694°W
Itinatag | 7 Hunyo 1753 |
---|---|
Lokasyon | Kalyeng Great Russell Street, Londres WC1B 3DG, Inglatera, Reino Unido |
Sukat ng Koleksyon | tinatayang nasa 8 milyong bagay[1] |
Mga Dumadalaw | 1,275,400 (2020)[2]
|
Direktor | Hartwig Fischer |
Pampublikong transportasyon | Goodge Street; Holborn; Tottenham Court Road; Russell Square; |
Sityo | britishmuseum.org |
Sukat | 807,000 pi kuw (75,000 m2) sa 94 galerya |
Ang Museong Britaniko o British Museum ay isang pampublikong museo na nauukol sa kasaysayan ng tao, sining at kultura na matatagpuan sa pook ng Bloomsbury sa London. Naglalaman ito ng 8 milyong mga gawa na isa sa pinakamalaki at pinakamalawak na umiiral sa mundo.[3] Nagtatala ito ng kultura ng tao mula sa simula ng pag-iral nito hanggang sa kasalukuyan.[a] Ang Museong Britaniko ang unang pampublikong pambansang museo sa buong mundo.[4] Itinatag ito noong 1753 batay sa mga koleksiyon ng doktor na Anglo-Irlandes na si Sir Hans Sloane.[5] Una itong nagbukas sa publiko noong 1759, sa Bahay Montagu sa kasalukuyang gusali. Ang pagpalawig ng museo sa sumunod na 250 taon ay resulta ng kolonisasyong Britaniko na nagdulot sa pagkakalikha ng ilang mga sangay na institusyon gaya ng Museo ng Likas na Kasaysayan noong 1881. Ang museo ay bukas araw-araw mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.[6]
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sa mga pambansang museo sa Londres, nasa Museong Victoria at Albert ang mga eskultura at palamuti at nilapat na sining; narito sa Museong Britaniko ang mga sinaunang sining, sining di-Kanluranin, mga imprenta at guhit. Nasa Pambansang Galerya ang mga pambansang koleksyon ng sining ng Kanlurang Europa sa mga 1900, habang nasa Tate Modern ang mga sining ng ika-20 dantaon. Nasa Tate Britain naman ang mga Sining Britaniko mula 1500 pasulong. Nasa Aklatang Britaniko naman ang mga aklat, manuskrito, at maraming gawa sa papel. May mga mahalagang pagsasanib sa pagitan ng saklaw ng iba't ibang koleksyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Collection size". British Museum (sa wikang Ingles).
- ↑ Art Newspaper annual museum survey, 30 Marso 2021 (sa Ingles)
- ↑ "About us". British Museum (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "History of the British Museum". The British Museum (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Life and Curiosity of Hans Sloane". The British Library (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 19 Nobiyembre 2018. Nakuha noong 21 Oktubre 2017.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "The British Museum in London". 2005-04-30. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2023-04-20. Nakuha noong 22 Abril 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)