Musikang Aprikano-Amerikano
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Marso 2022) |
Ang musikang Aprikano-Amerikano ay tumutukoy sa musika na impluwensiya ng kulturang Aprikanong Amerikano, na bumubuo ng malaking bahagi ng populasyon ng Estados Unidos. Unang pumunta sa Hilagang Amerika ang mga naunang African-American bilang mga alipin. Noon pa lang, bitbit na nila ang kanilang polyrhythmic na awitin na nagmula naman sa impluwensiya ng daan-daang grupong katutubo ng Kanlurang Africa at sub-Saharan Africa. Sa pakikipagsapalaran ng iba’t ibang tao na nagmula sa iba’t ibang rehiyon, ang sari-saring kultura ay humalo sa impluwensiya ng polka,waltzes at iba pang Europeanong musika. Lumaon, nagkaroon din ng mga panibagong pagbabago. Labis ang naging impluwensiya ng musikang African-American sa iba-ibang sosyo-ekonomik na estado, lahi at pati na rin sa buong mundo. Ipinagdiriwang ang pangkalahatang kultura ng African-American tuwing Pebrero, na kinikilala bilang Black History Month sa Estados Unidos.
Sinaunang Anyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karaniwan sa musikang African-American ang
- Paghiyaw sa palayan/taniman - Awit habang nagtatrabaho - Tawag at pagsagot - Kakaibang pagkanta o vocality: pag-impit ng kanta, falsetto, melisma, at vocal rhythmization - Biglaang paglikha ng awit - Blue notes - Poliritmo, singkopasyon, concrescence, tension, improvisation, percussion, swung note - Antiphony, polyphony, heterophony - Harmony
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ika-19 na siglo.
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dito nagsimula ang impluwensiya ng mga African-American sa sikat na tugtuging Amerikano, kaalinsabay ng pagsisimula ng blackface minstrelsy. Sumikat ang African na instrumentong banjo na nagdala ng mala-African na ritmo na ginamit naman ni Stephen Foster at ng mga kaliga niya sa pagsusulat ng mga bagong kanta. Taon 1830, nagdulot ng pag-asenso ng Christian revivals and pietism dulot ng Second Great Awakening. Gamit din ang mga tradisyunal na kanta habang nagtatrabaho, nagsimula ang mga aliping African-American sa paggawa ng iba-ibang uri ng Spirituals at Christian Music.
Pagkatapos ng Civil War, nagpatuloy ang paglago ng musikang African-American. Nauna ang Fisk University Jubilee Singers sa pagdaraos ng konsiyerto sa iba-ibang lugar noong 1871. Dagdag pa sila Morris Hill at Jack Delaney sa pagsisindi ng mitsa ng musikang African-American sa gitna-silangan ng Estados Unidos pagkatapos ng Civil War. Lumaon, nag-tour din ang Hampton Students. Naitatag ang , Hyers Sisters Comic Opera Co., ang kauna-unahang komedya ng mga African-American noong 1876.
Dekada ‘80
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagtamo ng matinding kasikatan si Michael Jackson sa mga album na Off the Wall, Bad, at Thriller. (Ang pangatlo ay nanatiling pinakabumentang album sa buong mundo.) Nagpabago ng musika ni Michael Jackson ang mga uso sa tugtugan. Nagbigay siya ng pagkakaisa ng iba’t ibang lahi, edad, at kasarian. Pinangunahan ni Michael Jackson ang panibagong kasikatan ng African-American na solo artist: Prince, Lionel Richie, Luther Vandross, Whitney Houston, at si Janet Jackson. Ang pop at dance-soul nitong panahon ay nagbunsad ng New Jack Swing sa katapusan ng dekada. Lumago ng Hip Hop sa buong Estados Unidos at nagkaroon pa ng iba-ibang uri sa ilalim nito. Sa mga panahong ito nauso ang Techno, Dance, Miami bass, Chicago house, Los Angeles hardcore at Washington D.C. Go Go, ngunit Miami Bass lang ang pinakasumikat. Sa huling kalahti ng dekada, sumikat naman ang Rap na pinangunahan naman ni Run-D.M.C. na naglabas ng Raising Hell. Ang mga Beastie Boys naman ay naglabas ng Licensed to III, na nauna sa pagiging bahagi ng Billboard 200. Pinaghalo ng dalawang artista na ito ang Rap at Rock na mabilis namang kumiliti sa tainga ng mga mahilig sa magkahiwalay na genre. Namarkahan ang ginintuang panahon ng Hip Hop sa pangunguna nila Eric B. & Rakim, Public Enemy, LL Cool J, Big Daddy Kane, at Salt-N-Pepa. Nantiling sikat ang Hip Hop sa Amerika hanggang dekada ’90, nang sumikat na ito sa buong mundo. Nakakita lamang ng pagbaba ang Hip Hop noong dekada ng 1990 nang dumating ang gangsta rap at g-funk na pinangunahan ng mga artist galing sa Kanlurang Amerika: N.W.A, Dr. Dre, Snoop Dogg, at ni Ice Cube. Sa kabilang Silangan naman, sila Notorious B.I.G., Wu-Tang Clan, at nila Mobb Deep, pati ng mga tunog ng urban black male bravado, pagmamalasakit, at kaalamang panlipunan na inawit ni Tupac. Noong 1988 naman, sumikat ang isang heavy metal na ang pangalan ay Living Colour. Binuo ang banda ng puro African-American. Nagkaroon sila ng kasikatan sa kanilang unang album na Vivid na umabot sa #6 ng Billboard 200 salamat sa kantang Cult of Personality. Inatake ng kanilang mga lirika ang Eurosentrismo at rasismo ng Amerika. Makalipas ang isang dekada, mas marami pang African-American na artist tulad nila Lenny Kravitz, Body Count, at si Ben Harper, at marami pang ibang rakista ang tutugtog muli ng Rock. 1990s – 2000s
Sa mga kamakailan lamang na mga panahon na ito, naging pinakasikat ang mga uri ng Hip Hop, Rap, at R&B. Labis ang tagumpay ni 2Pac noong 1995 sa kaniyang album na pinamagatang Me Against The World. (Nilabas ito sa mga bentahan habang ikinulong siya sa kasong panggagahasa.) Nagpatuloy ang kaniyang kasikatan hanggang sa pagkatapos ng kaniyang sentensiya: lumabas ang All Eyez on Me at The Don Killuminati: The 7 Day Theory. Nabaril at namatay si 2Pac sa Las Vegas noong 1996. Nagkaroon ng malalim na impluwensiya sa mga bagong artistang hip-hop at sa buong komunidad ng African-American ang mga awit ni 2Pac ukol sa politika.
1990s – 2000s
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa mga kamakailan lamang na mga panahon na ito, naging pinakasikat ang mga uri ng Hip Hop, Rap, at R&B. Labis ang tagumpay ni 2Pac noong 1995 sa kaniyang album na pinamagatang Me Against The World. (Nilabas ito sa mga bentahan habang ikinulong siya sa kasong panggagahasa.) Nagpatuloy ang kaniyang kasikatan hanggang sa pagkatapos ng kaniyang sentensiya: lumabas ang All Eyez on Me at The Don Killuminati: The 7 Day Theory. Nabaril at namatay si 2Pac sa Las Vegas noong 1996. Nagkaroon ng malalim na impluwensiya sa mga bagong artistang hip-hop at sa buong komunidad ng African-American ang mga awit ni 2Pac ukol sa politika.