Pumunta sa nilalaman

Mutual Security Agency

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Mutual Security Agency (literal na salin sa Tagalog: Sangay ng Damayan sa Katiwasayan) ay itinatag sa pamamagitan ng Kongreso ng Estados Unidos noong Oktubre 10, 1951. Ito ay nilikha sa ilalim ng prinsipyo na pinagtitibay ang kaalyado ng Amerika sa Europa sa pamamagitan ng tulong militar at pagpapabuti ng ekonomiya na magiging kapaki-pakinabang sa pang-matagalang seguridad ng Amerika. Napalitan nito ang Economic Cooperation Administration, na mayroon lamang pangangasiwa sa tulong pang-ekonomiya. Ang Mutual Security Agency ay responsable para sa pag-unlad at pamamahala ng militar at tulong pang-ekonomiyang mga programa maliban sa mga ibinibigay sa pamamagitan ng Technical Cooperation Administration (Teknikal na Pamamahalang Pakikipagtulungan).

Binuwag ng Reorganization Plan No. 7 1953 (67 Stat. 641) ang Mutual Security Agency noong Agosto 1, 1953. Nalipat ang mga tungkulin nito sa bagong Foreign Operations Administration (Pamamahalang Panlabas na Operasyon).