Pumunta sa nilalaman

Myroslav Slaboshpytskyi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Myroslav Slaboshpytskyi
Мирослав Михайлович Слабошпицький
Kapanganakan (1974-10-17) 17 Oktubre 1974 (edad 50)
Kiev, Ukrainian SSR, USSR
Mamamayan Ukranya
NagtaposNational University of Theater, Film, and TV in Kyiv
TrabahoDirektor ng pelikula, screenwriter

Si Myroslav Mykhailovych Slaboshpytskyi (Ukranyo: Мирослав Михайлович Слабошпицький, ipinanganak noong ika-17 ng Oktubre 1974) ay isang direktor pampelikula mula sa Ukraine.

Ipinanganak si Myroslav Slaboshpytskyi sa isang Ukranyanong manunulat at kritikong pampanitikang si Mykhailo Slaboshpytskyi. Nanirahan siya sa lungsod ng Lviv sa kanlurang Ukraine hanggang taong 1982. Nagtapos siya sa National University of Theater, Film, and TV in Kyiv na may pokus sa pelikula't pagdidirekta sa telebisyon. Nagtrabaho siya bilang tagapagbalita at nagsulat na rin siya ng mga iskrip para sa iba't-ibang mga pelikula't palabas. Sa unang mga taon ng dekadang 1990's, nagtrabaho siya sa Dovzhenko Film Studios.

Naging myembro na siya ng Kapisanan ng mga Sinematograper ng Ukraine mula pa noong taong 2000. Naging bise-presidente rin siya ng Samahan ng mga Batang Mamemelikula ng Ukraine. Noong taong 2002, dulot ng isang hindi pagkakaintindihan sa pagitan niya at ng pinuno ng Pambansang Serbisyong Sinematograpiya na si Anna Chmil, ay nagtungo siya sa lungsod ng St. Petersburg sa Rusya kung saan nagsimula siyang magtrabaho bilang screenwriter at pangalawang direktor sa napakaraming iba't-ibang mga proyekto.[1] Nagtrabaho siya sa studiong pampelikula ng Lenfilm sa parehong lungsod, partikular sa seryeng "Detachment" kasama ni Igor Lifanov at iba pa.

Sumikat sa eksena ng paggawa ng mga pelikula si Slaboshpytskyi noong taong 2014 dahil sa pelikula niyang The Tribe (Ang Tribo, sa wikang Tagalog), na premyer na ipinalabas sa Cannes Film Festival. Ang kabuuan ng diyalogo ng nasabing pelikula ay nasa Ukrainian Sign Language nang walang mga subtitles. Gamit ito ay napanalunan niya ang Nespresso Grand Prize, pati na rin ang France 4 Visionary Award at ang Gan Foundation Support for Distribution Award sa seksyon para sa Linggo ng Pandaigdigang mga Kritiko ng Cannes Film Festival ng nasabing taon.[2]

Inanunsyo noong ika-24 ng Oktubre 2018 na didirektahan ni Slaboshpytskyi ang pelikulang Tiger (Tigre), na nakabase sa librong non-fiction mula noong taong 2010 na may parehong pamagat na isinulat ni John Valliant. Kinuha ng kompanyang pampelikulang Focus ang mga karapatan sa libro noong 2010, at minsa'y naisip din nilang ipadirekta ang pelikula sa halip kina Brad Pitt at Darren Aronofsky. Gayunpaman, napagdesisyunan pa rin ng dalawa sa huling maging mga prodyuser na lamang ng pelikula at hayaan si Slaboshpytskyi na direktahin ito.[3][4]

Bilang direktor

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 2006: The Incident (Ukranyo: Жах, Tagalog: Ang Insidente, maikling pelikula)
  • 2009: Diagnosis (Ukranyo: Діагноз, Tagalog: Dyagnosis, maikling pelikula)
  • 2010: Deafness (Ukranyo: Глухота, Tagalog: Pagkabingi, maikling pelikula)
  • 2010: Мудаки. Арабески (maikling pelikula)
  • 2012: Nuclear Waste (Ukranyo: Ядерні відходи, Tagalog: Basurang Nukleyar, maikling pelikula)
  • 2012: Україно, goodbye! (maikling pelikula)
  • 2014: The Tribe (Ukranyo: Плем'я, Tagalog: Ang Tribo)
  • TBA: Luxembourg

Bilang screenwriter

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 2009: Diagnosis (Ukranyo: Діагноз, Tagalog: Dyagnosis, maikling pelikula)
  • 2010: Deafness (Ukranyo: Глухота, Tagalog: Pagkabingi, maikling pelikula)
  • 2012: Nuclear Waste (Ukranyo: Ядерні відходи, Tagalog: Basurang Nukleyar, maikling pelikula)
  • 2014: The Tribe (Ukranyo: Плем'я, Tagalog: Ang Tribo)
  • TBA: Luxembourg

Bilang prodyuser

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 2006: The Incident (Ukranyo: Жах, Tagalog: Ang Insidente, maikling pelikula)
  • 2009: Diagnosis (Ukranyo: Діагноз, Tagalog: Dyagnosis, maikling pelikula)

Bilang tagagayak

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 2006: The Incident (Ukranyo: Жах, Tagalog: Ang Insidente, maikling pelikula)

Bilang taga-edit

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 2009: Diagnosis (Ukranyo: Діагноз, Tagalog: Dyagnosis, maikling pelikula)
  • 1995: The Guard (Ukranyo: Сторож, Tagalog: Ang Gwardya, maikling pelikula)
  • 1999: Поет та княжна

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Мирослав Слабошпицький виїхав з України через Ганну Чміль (nakasulat sa wikang Ukranyano). gazeta.ua. [Umalis sa Ukraine si Myroslav Slaboshchpytskyi dahil kay Anna Chmil]
  2. Сенсація Канн – фільм «Плем’я» Мирослава Слабошпицького (nakasulat sa wikang Ukranyano). radiosvoboda.org. [Sikat ang "The Tribe" ni Myroslav Slaboshchpytskyi sa Cannes Film Festival]
  3. Myroslav Slaboshpytskyi to Direct 'Tiger' for Focus — Variety (nakasulat sa wikang Ingles). variety.com. [Si Myroslav Slaboshpytskyi ang magdidirekta sa pelikulang 'Tiger' para sa Focus]
  4. Наша гордость: кинорежиссер Слабошпицкий (nakasulat sa wikang Ruso). afisha.bigmir.net. [Ang aming ipinagmamalaki: ang direktor pampelikulang si Slaboshpytskyi]
[baguhin | baguhin ang wikitext]