Pumunta sa nilalaman

Myrtis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang wangis ni Myrtis na muling binuo.

Myrtis ang pangalang ibinigay ng mga arkeologo sa isang batang babaeng 11 taon ang gulang na nagmula sa Sinaunang Atenas, na ang mga labi ay natuklasan mula 1994 hanggang 1995 sa loob ng isang libingang pangmaramihan habang nagsasagawa ng pagtatayo ng estasyong pangtren sa Kerameikos, Gresya.[1] Pinili ang pangalan mula sa karaniwang mga pangalang Griyego.[2] Nagpakita ang pag-uuri na si Myrtis at dalawa pang ibang mga katawan sa libingang pangmaramihan ay namatay dahil sa tipos noong ng panahon ng Plaga sa Atenas noong 430 BCE.[1]

Ginawa ng Pangrehiyong Sentro ng Impormasyon ng mga Nagkakaisang Bansa si Myrtis bilang isang kaibigan ng Mga Layuning Pangkaunlaran ng Milenyo at ginamit siya sa pangangampanya ng Mga Nagkakaisang Bansa upang mawakasan ang pagdarahop, sa pamamagitan ng pariralang "We Can End Poverty" (Mawawakasan Natin ang Kahirapan).[3]

Rekonstruksiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bungo ni Myrtis.

Ang ebidensiya ng kalansay na pantao mula sa Gresyang Klasikal ay bihira, dahil sa ang lahat ng mga paglilibing noong mga panahong iyon ay nauunahan ng kremasyon. Bago ang paglitaw ng bangkay ni Myrtis, walang natala na pagtatangka na muling buuin ang isang mukha ng karaniwang tao na nagmula sa Sinaunang Gresya.[2]

Ang bungo ni Myrtis ay nasa isang pambihirang mabuting kalagayan, at humingi ang Griyegong propesor ng ortodontiks na si Manolis Papagrigorakis ng tulong magmula sa mga espesyalista ng Sweden upang muling likhain ang mga tampok na katangian ng mukha ni Myrtis. Isang natatanging iskaner (scanner) ang ginamit para sa hindi mapanghimasok na pagkakamit ng datong pang-anatomiya na mayroong mataas na resolusyon (mataas ang kalidad) na kopya ng bungo ni Myrtis. Ang bolumen o bulto (sukat ng kapal ng kabuuan) ay napag-alamang mayroong 446 cm3. Pagkatapos ng pag-iiskan, nalikha ang isang tumpak na kopya ng bungo ni Myrtis, na naging batayan ng sumunod na porensikong rekonstruksiyon ng mukha. Ang proseso ng rekonstruksiyon (muling pagbubuo) ay sumunod sa tinatawag na "metodong Manchester": ang mga tisyu ng mukha ay inilapata sa ibabaw ng bungo palabas sa pamamagitan ng paggamit ng panandang mga talasok upang malaman ang kakapalan. Ang hugis, sukat at kinalalagyan ng mga mata, mga tainga, ilong at bibig ay napag-alaman sa pamamagitan ng mga tampok na katangian ng nakapailalim na mga tisyung pangkalansay. Nililok ang 20 iba't ibang mga masel (kalamnan). Ang kakapalan ng mga tisyung pangmukha ay tinimbang ayon sa karaniwang mga halagang nakuha magmula sa kaukulang mga talahanayang sanggunian para sa edad, kasarian, at lahi.[2] Ang lapad ng bibig at ang kapal ng labi ay tinaya sa pamamagitan ng padron at ang mga katangian ng bao ng ulo at ng mukha ng kaugnay na mga lugar.[2] Ang muling nabuong mukha ni Myrtis ay binigyan ng kayumangging mga mata at kayumangging mga buhok, subalit ang tunay na mga kulay ng mga ito ay maaari lamang malaman sa pamamagitan ng pagsusuri ng DNA.[1] Ang estilo ng buhok na ibinigay sa kaniya ay isinunod sa moda ng kapanahunan ni Myrtis.

Kalagayan ng mga ngipin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napagmasdan sa mga labi ni Myrtis ang maloklusyong dental at pangkalansay na may klase II.[4] Ang iba pang mga suliraning pangngipin ay ang ektopikong labial na pagputok ng maksilaryang matutulis na mga ngipin (mga ngiping canine) na pagitna (mesially) sa nananatiling mga naunang mga ngiping desiduwoso (deciduous, nalalagas, nangungulag), na ang ektopikong pagputok na palayo ng isang pang-ibabang unang premolar at isang unilateral na nawawalang pang-ibabang pangatlong molar.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "'Myrtis' exhibition at National Archaeological Museum". ANA-MPA. 4/8/2011. Nakuha noong 8 April 2011. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Manolis J. Papagrigorakis, Philippos N. Synodinos, Aristomenis Antoniadis, Emmanuel Maravelakis, Panagiotis Toulas, Oscar Nilsson, Effie Baziotopoulou-Valavani. "Facial reconstruction of an 11-year-old female resident of 430 BCE Athens". Angle. Nakuha noong 8 Abril 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. "Myrtis has been named "friend of the United Nations"" (sa wikang Griyego). GR: Myrtis. Nakuha noong 8 Abril 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Dental status and orthodontic treatment needs of an 11-year-old female resident of Athens, 430 BCE". Angle Orthod. 78 (1): 152–6. 2008. doi:10.2319/012107-30.1. PMID 18193954. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]